Takip-silim ng makarating sila sa pangalawang stop-over sa gitna ng gubat at doon na rin sila magpapalipas ng gabi. Marami na silang nadatnan na mga local at foreign tourists na namamahinga sa lugar. May maliliit na nipa huts ang lugar na pinauupahan sa gustong matulog at mayroon ding common comfort rooms na may tubig galing sa bukal. Ang kuryente ay nagmumula sa isang solar panel. “Wow!” manghang wika ni Menchu, “amazing, parang mga alitaptap.” Natatanaw nila ang ibaba ng bundok na parang string of lights na nanggagaling sa mga headlights ng mga papaakyat pang mga mountaineers. “This is a great experience,” natutuwang wika ni Menchu na yumakap sa katabi niyang si Alex. Napakunot-noo si Nico. Bakit si Alex ang niyayakap nito samantalang katabi naman si Jacku. “Eherm, shall we start fixi

