“Alex, dito ako.” Hinanap ni Alex ang tumatawag sa kanya. Si Menchu ay nasa isang kubling bahagi ng pool. “BF, excited na ako sa ibabalita mo. Kumusta ang adventure with Martin Grey?” Kinikikilig pa si Menchu na hinatak si Alex sa isang upuan. “Shhh, wag kang maingay. Ang boyfriend mo?” Nagpa-linga-linga muna si Alex. “Wala siya, don’t worry. Walang problema sa kanya. Oh, anong update?” “Menchu, may pagka-masungit pala yun sa personal.” “Pero guwapo di ba?” Alam ni Alex ang tinutumbok ni Menchu pero tinatamad siyang magkuwento. “Oo, pero ako pa rin ang mananalo.” “Weh, siyanga?” pabirong dinama ni Menchu ang dibdib ni Alex. Hindi na sumagot si Alex at bigla itong natahimik at pagkuwa’y, “Lagi ko na naman napapanaginipan si Mommy.” Nagbabadya ang mga luha sa mga mata ni Alex. “

