"Hindi na nagiging maganda ang performance mo sa trabaho, Cloud," sabi sa akin ni Rodulf. "Bakit naman po, Boss? Ginagawa ko naman po ang lahat ng trabaho," sagot ko naman sa kaniya. "Oo ginagawa mo nga kaso pumapalpak ka na. Hindi ka naman ganiyan dati. Balita ko may babae ka raw na nagugustuhan at ayon pa sa narinig ko ay engage na kayo. Huwag mo sabihing magpapatali ka na sa babaeng iyon. Marami ka pang dapat gawin, Cloud. Marami ka pang dapat patayin. Bakit umibig ka na? Hindi ba sinabi ko na paglaruan mo lang ang mga babae at huwag mo silang seryosohin?" Tahimik lang ako habang nakatingin sa boss ko. Naiintindihan ko naman siya dahil iyon ang sinumpaan namin para manatili sa trabahong ito. Pero gusto ko nang magbagong buhay. Bago ako pumasok sa trabahong ito ay alam ko na ang mga

