"Ay tunay ba talaga?" Nanlalaki ang mata ni Elise habang nakatingin sa akin. Mabilis akong tumango. "Kawawa naman kasi. Mahirap talaga kapag mag-isa ka lang sa buhay, walang mag-aasikaso sa iyo lalo na kapag nagkasakit ka." Breaktime namin ngayon. Wala dito si Ulap. Siguro nagpapahinga pa 'yon. Pero no'ng iwan ko naman siya ay bumaba na ang lagnat niya. Kawawa rin talaga ang amo kung 'yon. Walang nag-aaruga sa kaniya. Sabagay, naintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang magkaroon pa ng mag-aalaga sa kaniya dahil nga sa mahirap na ang magtiwala. Kahit ako rin naman ay wala na akong tiwala sa kahit na sino. "Wala na ba talaga siyang kapamilya o ano pa man? Kung ganoon kasi eh 'di kawawa naman 'yang sir Cloud mo." Tumango ako. "Oo wala na. 'Yon ang sabi niya sa akin nang magkakuwentuhan

