Kauupo ko lang mula nang magluto ako ng sampung orders ng burger. Pawis na pawis ako at ngalay ang aking braso dahil sa isang order ay dalawa o apat ang burger na binibili ng customer kaya naman mabilisan ang ginawa kong luto. Pinunasan ko ang aking mukha sabay hingang malalim. Itinapat ko ang sarili ko sa electric fan.
"Dito ka pala nagtatrabaho, Kristene?"
Napalingon ako nang marinig ko ang pamilyar na boses. Nakita ko si Bulbulito na malawak ang ngiting nakatingin sa akin.
"Oh tapos?" Pagtataray ko sa kaniya.
Pinasadahan niya nang tingin ang loob ng store na para bang sinisipat ng maigi ang kabuoan ng store. Napataas ang kilay ko.
Ano bang eksena ng lalaking 'to?
Hanggang dito ba naman ay sinusundan pa rin ako! Baliw na nga talaga ang matandang ito.
"Ito mo 'yang itsura mo, pawis na pawis ka at halatang pagod. Kung nasa akin ay kailanman hindi mo mararanasan ang ganiyan. Hindi ka mapapagod. Ang gagawin mo na lang ay paligayahin mo ako at ako na ang bahala sa iyo," sabi niya sabay kindat sa akin.
Matandang manyakis! Ew! Malamang kadiri na ang bur*t niya dahil kulubot na ito! At baka mamaya mabantot pa ito at maitim!
"Alam mo, Mr. Bulbulito, kahit gumuho pa ang mundo ay hinding-hindi ako sasama sa iyo. Kahit na magkadaletse-letse na ang buhay ko, hindi pa rin ako sasama sa iyo. Kahit gumapang pa ako sa hirap, hindi mo ako madadala sa pera mo! Hinding-hindi mo ako matitikman!"
Ngumisi siya ng nakaloloko. "At para sabihin ko sa iyo, Kristene, hinding-hindi ako susuko sa iyo. Hangga't hindi ko pa nakikita na may kasama kang lalaki, hinding-hindi ako susuko dahil hangga't may pag-asa, lalaban ako!"
Napakamot na lang ako sa ulo dahil nahihiya na ako sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kaniya. Parang gusto ko na lang siyang maglahong bigla. Kung may kapangyarihan lang talaga ako kagaya ng mga Sanggre sa Encantandia ay sinunog ko na siya dahil ako si Pirena.
"Umalis ka, Bulbulito bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo at mawalan ako ng respeto sa iyo. Umalis ka na." Tumayo ako at saka pinunasan ang lamesa dahil nabasa ito ng tubig.
"Paano kung ayoko, Kristine?"
Naningkit ang mata ko sa inis. Parang gusto ko na siyang labasin at pagkatapos ay pagsisipain sa bay*g niya nang matauhan siya. Hindi talaga siya nahihiya sa mga pinaggagawa niya. Kung wala lang ako ngayon sa store na ito ay baka nasipa ko na siya sa bay*ag niyang bulok.
"Huwag akong hintayin na mapuno sa iyo Bulbulito dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo." Kalmado pero gigil kung sabi sabay talikod sa kaniya.
Narinig ko siyang tumawa. "Grabe ka talaga, Kristene. Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko kapag nagagalit ka."
Nilingon ko siya. "Put*ng ina mo umalis ka ng put*ng ina kang kup*l ka!" malakas na sigaw ko sa kaniya.
"Anong mayroon dito? Bakit ka nagmumura, Kristene?"
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Cloud. Napakurap ako ng ilang beses sabay yuko.
Namamawis ang kamay ko sa kaba. Tatanggalin na ba niya ako?
"S-sorry, Sir. H-hindi ko po s-sinasadya."
Nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ako sa balikat. Parang may kung anong bultahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko mula sa mainit niyang palad.
"Ano bang nangyari? Bakit mo nasabi iyon ng pasigaw? Hindi mo naman sasabihin 'yon ng walang dahilan, 'di ba? Tumingin ka sa akin."
Dahan-dahan akong nag-angat nang tingin. Napalunok ako nang magtama ang paningin naming dalawa. Napakaguwapo talaga niya. Parang gusto ko na lang magpakain sa kaniya. Ewan ko ba sa tuwing nakikita ko siya ay nagiging manyakis ako.
Parang gusto kong dilaan niya ang puk* ko.
Chariz!
Ayoko na nga! Napakamanyakis ko na!
"Kristene? Ano ba? Bakit hindi ka na nagsalita?"
Muntik na akong mapaatras dahil nabigla ako. Hindi ko kasi namalayan na nakatulala na pala ako. Paano ba naman kasi, ang guwapo niya. Nakakahipnotismo ang mga mata niya. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalang Cloud dahil uulanin ka sa basa kapag kaharap mo siya.
Ang sarap magpadilig! Tuyo na kasi ang hardin ko!
Chariz!
"Ah...a-ano kasi, S-sir. 'Yang lalaking 'yan, parang baliw na sa akin. Kahit saan ako magpunta sinusundan niya ako. Naiinis na ako sa kaniya. Hindi ko siya gusto pero ayaw niya pang tumigil. Nakakatakot na siya, Sir. Tapos ang manyakis niya pa."
Huminga siyang malalim at saka binalingan si Bulbulito. Matalim niya itong tinitigan.
"Umalis na lang ho kayo kung wala kayong magandang gagawin dito. Hindi ako papayag na bastusin niyo na lang basta ang crew ko. Hindi tama na sundan mo siya kung saan siya magpunta at lalong hindi tamang maging baliw kayo kasusunod sa taong ayaw naman sa inyo. Puwede kayong makulong, gusto niyo ba 'yon?"
Ngumisi si Bulbulito. "Talaga ba? Umayos ka bata. Hindi mo pa ako kilala. Ano bang mayroon ka? Ano bang maipagmamalaki mo? Itong store mo? Bakit? Magkano ba ang kinikita mo mula rito? Hindi mo ako kilala, bata. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang perang kinikita ko sa araw-araw kaya huwag kang magmayabang. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil may tinutulungan akong tao. Ako na ang bahala sa buhay niya basta ang gagawin niya lang ay paligayahin ako."
Nagtangis ang bagang ni Cloud sabay ngisi na para bang naaasar na siya. "Ako ang hindi niyo kilala, tanda. Hindi mo alam kung anong kaya kung gawin. At sa yaman mo? Walang-wala 'yan sa pera ko. Gusto mo bang magpakilala ako sa iyo nang manahimik na 'yang mabaho mong bibig."
Itinaas niya ang kaniyang manggas at ipinakita niya kay Bulbulito ang tattoo niya sa kaniyang braso. Nakaguhit doon ang bilog at nasa loob nito nakasulat ang "SK". Sa ibaba ay may nakasulat na "Shoot to Kill".
Biglang nanlaki ang mata ni Bulbulito na para bang gulat na gulat siya. Hindi ko alam kung tama ba ako ng hinala pero sa nakikita ko sa mukha ni Bulbulito ay para bang natakot siya bigla nang makita niya ang tattoo ni Cloud.
"May gusto ka pa bang sabihin, tanda?" Nakangising tanong sa kaniya ni Cloud.
Nanginginig na umiling si Bulbulito habang ilang ulit na napalunok. "W-wala na po S-sir. A-aalis na ako."
Bigla na lang kumaripas ng takbo si Bulbulito. Nangunot ang noo ko. Anong mayroon? Bakit ganoon na lang ang reaksyon ng matandang 'yon? Anong mayroon sa tattoo ni Cloud?
"Bakit kumaripas ng takbo 'yon? Anong mayroon sa tattoo mo, Sir? May powers ba 'yan?"
Tumawa siya. "Wala itong powers. Ibig sabihin ng tattoo na ito ay kabilang ako sa mayayamang tao."
Umarko ang kilay ko. "Wow naman! Sana all! Pahingi naman ako, Sir! Chariz!"
"Sa susunod. Sipagan mo lang, Kristene. Ako na ang bahala sa iyo."
Ngumisi ako. "Talaga ba, Sir? Ang bait niyo naman Sir!" sabi ko sabay tawa.
"Basta magpakabait ka lang sa akin. Magugulat ka na lang sa mga gagawin ko sa iyo. Siguradong magugustuhan mo."
Nginisihan niya ako na nakaloloko. Ewan ko ba pero bigla na lang ako nag-init. Put*ng inang katawan 'to! Masyadong malibog!
"Ano 'yan, Sir? Anong magugulat ako? Didiligan mo ba ang hardin ko?" Nakangisi kong tanong.
Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Anong didiligan ko ang hardin mo? Ginawa mo pa akong tagadilig. Hindi ako hardinero."
Ngumuso ako. Bobo naman ni Cloud! Hindi naman literal na hardin ko ang didiligan niya kun'di ang puk* ko mismo! Didiligan niya gamit ang kaniyang tam*d!