"Let's have an ultrasound for us to know kung ilang weeks na si baby sa tiyan mo." Sumunod lamang ako sa kung saan ako dalhin ng doktor. Mas'yado pa akong lutang at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. I can't believe I am pregnant! Akala ko wala na akong pag-asa! Lord, thank you! Unang pinarinig sa akin ng doktor ang heartbeat ng baby. And it's like I've fallen in love the first time I heard those raging beats. Nakangiti kong pinanood ang ekspresyon ng doctor. Pero ang ngiti kong 'yon ay unti-unting napawi nang nakita ko ang pangungunot ng kan'yang noo. Kinabahan ako. "W-what's wrong?" tanong ko. "Did you hear those. Hindi lang iisang heart beat ang naririnig ko, Miss Flores." Nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh! Everything was so overwhelming. May isang maliit na device siyang ip

