"Pagpasensyahan niyo na si Cristel. Sadyang nabigla lang 'yong bata sa mga impormasyong nalaman niya. Terese, hija… Alam mo naman siguro kung gaano kagusto ni Cristel si Rick hindi ba? Magmula bata pa ay pinangarap niya na itong si Rick. Kaya pagpasensyahan mo na sana kung ganoon ang naging asta niya. Nasaktan siya kaya gano'n." Alas sais pa lang ng umaga ay nandito na sa bahay namin si Rick kasama ang mga magulang niya. Ito nga at pinag e-explain niya ang mommy niya. "Kailan ka lang na-discharged sa hospital?" tanong ko kay Rick. "Kahapon lang. Ipinaasikaso ko kaagad kina mommy at daddy ang mga papeles para makalabas agad ako. I'm worried, Terese… Tuloy pa naman ang kasal 'di ba?" "Rick, hijo… Kung gano'n lang din naman tulad ng kahapon ang mangyayari at ang matatanggap lang ni Terese

