"Wala ka talagang balak na tawagan siya or habulin man lang siya sa airport? What? Balewala na lang sa 'yo ang paghihiwalay niyo?" kuda ni ate Irene habang umiimom ng frappe sa harapan ko.
Napabuntonghininga ako, at nagkibit balikat na lang. It's been a week after Rick and I broke up. It's been a week also after the intercourse between me and Roiden. And damn it! Imbis na ang papaalis ng bansang si Rick ang isipin ko ay pinupuno ng mukha ni Roiden ang utak ko.
"Ano na, Terese? Ayos lang sa 'yo na hindi na matutuloy ang kasal?" sabay hampas niya sa lamesa. Napatingin tuloy sa amin ang ibang customer na kumakain dito sa loob ng cafe ko.
"Ate..." Tamad akong nagbuga ng hangin. "You're being hysterical for nothing. Rick loves me, I'm sure of that. Maybe he just need to unwind or he needs time for himself. Baka kailangan niya lang mag isip. Baka kasi mas'yado ko siyang na-pressure sa papalapit na kasal naming dalawa. Babalik rin 'yon."
Nagbaba ako ng tingin sa ipad kong nasa lamesa. Naka-display sa screen ang f*******: account ni Roiden. Naka-lock 'yon at tanging profile picture niya lang ang nakikita ko.
"Are you goddamn serious, Terese? Kung umakto ka ay parang okay lang sa 'yo na naghiwalay kayo ni Rick, ah?"
Muli akong napabuga ng hangin at napatingin sa kan'ya.
"What do you want me to do, ate? Mag iiiyak at maghahabol ako sa kan'ya? Hell! Hindi ko kailangang gawin 'yon! Mas'yado akong maganda para maghabol sa lalake no!"
Napatalon ako sa gulat nang sa ikalawang pagkakataon ay hinampas niya ang lamesa.
"Ate!" mahinang saway ko sa kan'ya. Muli na naman kaming nilingon ng mga customers. Kung hindi ko pa siguro pagmamay-ari 'tong cafe na 'to ay siguradong kanina pa kaming napaalis.
"Oh yeah? Paano naman 'yong reservation ko sa hotel na pagdadausan ng kasal niyo, Terese? Paano na 'yong sa catering at sa simbahan? My goodness! Nabayaran ko na 'yon lahat!" sigaw niya.
Nalaglag ang panga ko at napaiwas ako ng tingin sa kan'ya. Ngayon ay parang kasalanan ko pa kung bakit hindi na matutuloy ang kasal namin ni Rick.
"I'll compensate na lang, ate."
Hindi siya nakasagot sa akin. Pagkaraan ng ilang sandali ay marahas siyang napabuga ng hangin. Tumingin ako sa kan'ya at nakitang naka-crossed arms na siya at nakasandal sa sandalan ng upuan niya habang kunot-noong nakatingin sa akin.
"Hindi ka magastos, Terese. Mahaba-habang singilan pa nga ang nagaganap bago ka nagbabayad ng utang sa akin. Tapos ito, ay madali lang para sa 'yong sabihin na babayaran mo na lang lahat ng nagastos ko para sa kasal niyo? Ayos lang talaga sa 'yong hindi na matuloy ang kasal niyo no?"
Napatitig ako sa kan'ya at napabuga ng hangin.
"Nakipag break siya sa akin, ate. Hindi na raw siya masaya. Isang linggo siyang hindi nagparamdam sa akin tapos heto at mababalitaan kong ngayon ang alis niya ng bansa. Ate, hindi ako tanga para hindi maintindihan ang nais niyang ipaintindi. He fell out of love. Wala na siyang pagmamahal sa akin. Kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa kan'ya?"
Hindi nakasagot sa akin si ate. Mabunganga lang siya pero alam kong naiintindihan niya ako. Muli akong napabuga ng hangin at aksidente kong naihampas ang kamay ko sa screen ng ipad at na-click ko ang add friend button.
Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ako. Damn it!
"What is happening?" tanong ni Ate Irene habang may mga tinging nag aalala sa akin.
Nag angat ako ng tingin sa kan'ya at agad na umiling.
"Nothing," sabay ngiti ko.
Pinagtaasan niya pa ako ng kilay at halatang hindi siya naniniwala sa akin.
"Uhh... Ate, CR lang ako sandali ah?" sabi ko at agad nang tumayo. Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon niya. Nag diretso nga ako sa CR bitbit ang ipad ko. Medyo hindi naman ako sinungaling at umihi akong talaga.
Pagkatapos kong umihi at maghugas ng kamay ay tiningnan ko ang ipad ko at nakitang in-accept na ni Roiden ang friend request ko. s**t! Ang bilis naman!
Nagkibit-balikat ako at sinimulan na lamang ang pag s-scroll sa f*******: account niya. Doon ay nakita ko kung gaano siya ka-active sa social media. Oras-oras ay may bagong post o di kaya ay may mga shared posts.
Hindi pa man ako nagsasawa sa pang s-stalk ko ay nag pop up na sa screen ang messenger account ko. Roiden just sent a f*****g message! Teka lang, wait... Bakit parang naghuhuramentado ang puso ko?
Roiden :
Just right in time, Terese. I was about to add you as a friend. Naunahan mo 'ko. Bilis mo talaga!
I heave out a sigh. Seriously? Ako pa ang tinawag niyang mabilis? E, siya nga 'tong kakakita pa lang namin muli ay nakipag-s*x na ulit sa akin.
Me :
I was about to cancel the request. Aksidente ko lang na napindot 'yon. Pero naunahan mo ako at na-accept mo kaagad. Bilis mo talaga!
Hindi ko na hinintay pa na makapag-reply si Roiden. Nag log-out agad ako at pinatay ang ipad. Saka ako lumabas ng CR at babalik na sana sa table namin ni ate kanina pero wala na siya roon.
"Si Ate Irene?" tanong ko sa isa kong staff.
"Umuwi na po, Ma'am Terese. Ang sabi niya'y babalik na lang po siya para singilin kayo sa utang niyo."
Nakapameywang akong napabuga ng hangin. Grabe si ate! Pagbabayarin nga niya akong talaga do'n sa mga nagastos niya na para sana sa kasal namin ni Rick.
Nang araw na 'yon ay maaga akong umuwi at nagdiretso ako sa condo na tinitirhan namin ni Rick no'ng nagsasama pa kami. And yes! We're living in together. Nagsasama kami sa iisang condo kahit na may kani-kanyang bahay namin kaming dalawa na dapat inuuwian.
Nahugot ko ang sarili kong hininga pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan. Bumungad sa akin ang walang pinagbagong condo. Isang linggo akong hindi pumunta dito dahil sa akala kong baka nandito si Rick. Isang buong linggo akong 'di nagpakita sa kan'ya dahil nagtatampo ako. Nasaktan ako sa mga binitawan niyang salita nang nakipaghiwalay siya sa akin. Hindi ko naman inaasahang aalis pala siya ng bansa at mukhang tuluyan na nga akong iiwan.
Pero mukhang kahit pumunta ako rito araw-araw ay hindi pa rin pala kami magkikita. Walang kahit na anong bakas na makikitang nagpunta si Rick dito. Dahil maging sa walk-in closet na pagmamay-ari niya ay naroroon pa rin ang mga gamit niya. Umalis siya ng bansa na iniwan niya lahat. Pati ala-ala iniwan niya sa akin.
Napalunok ako nang nakaramdam ng pamamara ng lalamunan at paninikip ng dibdib. Even the pictures that we hang together in the specific wall of the condo ay 'di nakulangan. Kumpleto iyon. Walang labis walang kulang.
"Is this really it, Rick? Ganito lang ba talaga kadali sa 'yong iwan ako?"
Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Inalis ko 'yon at pinilit ko ang sarili kong huwag magpadala sa nararamdamang sakit pero ang hirap lang kasi talagang tanggapin. Ikakasal na dapat kami, e. Isang buwan na lang ikakasal na kami.
Nagtungo ako sa refrigerator at kumuha ako ng ilang can ng beer saka ako pumunta sa couch at pabagsak na naupo roon. Nagsimula akong maglasing na parang wala ng bukas. Pero bakit kahit anong gawin kong pag inom ay hindi pa rin nababawasan 'yong bigat sa dibdib na nararamdaman ko? Bakit parang mas lalo yatang bumibigat?
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nag online sa messenger account ko. Rick was online too. I tried to compose a message but, I always end up deleting everything.
Hanggang sa nakatanggap ako ng mensahe na galing kay Roiden. Kaya binuksan ko na lamang 'yon at binasa na rin maging ang mensahe niya kanina.
Roiden :
Accident or not. Ibig sabihin pa rin no'n ay nakatambay ka sa account ko.
Roiden :
Oh! Bakit 'di ka na nagrereply?
Roiden :
Busy?
Roiden :
Hey!
Umayos ako ng upo at nagsimulang magtipa ng mensahe para sa kan'ya.
Me :
Where are you?
Tumungga ako sa beer in can na hawak ko bago nagtipa ng mensahe para kay Rick.
Me to Rick :
Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo sa akin 'to. Ang sakit lang, Rick. Pero hindi ako naniniwalang wala ka ng feelings sa akin. I know you still love me, Rick. Kaya kitang patawarin sa mga masasakit na salitang binitawan mo. I can forgive you, Rick. Just please come back to me. Kung kailangan mo lang ng panahon para sa sarili mo. Kaya ko 'yong ibigay sa 'yo. Maiintindihan ko, Rick. Just please come back. I'll be waiting.
Napapikit ako ng mariin matapos iyong mai-send sa kan'ya. Tumungga muli ako sa lata and this time ay inubos ko na saka ako kumuha ulit ng panibago.
Roiden :
Nasa bar ako. Why? Where are you?
Pagkatapos kong basahin ang mensahe mula kay Roiden ay imbis na magtipa ng reply para sa kan'ya ay nag video call na ako.
Isang abot tainga na ngisi ang bumungad sa akin sa screen nang sagutin ni Roiden ang tawag ko. Pupungay-pungay pa ang mga mata ko habang nakatingin ako sa gwapo niyang larawan.
"You looked like a mess! Anong hitsura 'yan Terese Flores?" aniya mula sa kabilang linya at pinagtatawanan pa ako.
"Fetch me, Roiden. I'll send you the address. I want you to do something for me. I want to taste that f*****g s*x in the driveway of yours!" saad ko at agad na pinutol ang tawag.
That s*x in the driveway he's bragging. Dapat sobrang sarap niyan! Dapat makalimutan ko si Rick dahil d'yan!