Prologue: Escape from the Island

276 Words
Taong 2000..... Sa isang mahiwagang isla na kahit kailanman ay hindi pa napupuntahan ng mga ordinaryong nilalang dahil sa napapalibutan ito nang makakapal na ulap at mga naglalakihang bato na pumapalibot sa lugar ay may mag-asawang hindi na malaman ang gagawing pagtakbo upang makaiwas sa haharaping malupit na kaparusahan. Isang gabing walang habas na bumubuhos ang tila walang katapusang ulan na sinasabayan pa ng mga sibat ng kidlat at pagtungayaw ng nakabibinging kulog. "Hindi kayo makakatakas sa akin kahit anong mangyari!!! Ibigay mo ang anak mo sa akin Kojin!!! Kahit saang lupalop pa kayo magtago, kahit saang mundo pa kayo pumaroon ay hahanapin ko kayo!" Ito ang pumapailanlang na tinig ng sumisigaw na hari ng mga Diablong Pula sa kahariang iyon. "Mga alipin, sundan ninyo at huwag ninyong hahayaang makalayo ang traydor na iyan! Dalhin ninyo sa akin at huwag hahayaang mamatay ang sanggol sa sinapupunan ng mortal na tagalupang 'yan, bwuahahaha bwuaaahahahhaaa!!!" Mahigpit naman ang pagkakahawak ni Kojin sa malaking buslo na pinaglagyan niya sa walong buwang buntis na si Annabel. Ginagamit niya ang buong lakas upang hindi mahulog sa kanyang balikat ang asawa habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Walang magawa ang kahit na anong palasong umuulan sa likuran niya, maging ang mga sibat na ipinupukol ng mga aliping kawal ng hari. Bago pa siya matamaan ay alistong nararamdaman na niya ang direksiyon ng mga mapanganib na armas na iyon. Bilang kanang kamay ng hari ay siya ang pinakamalakas sa lupon ng mga kawal na tumutugis sa kanya ngayon. Dahil sa sobrang pagmamahal sa asawa ay sinuway niya ang batas ng kanilang angkan. Saan kaya hahantong ang ginawang kataksilan ni Kojin sa kanilang kaharian?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD