I THREW MY WIFE A GAZE AND FLASHED A SWEET SMILE. Sobra akong nag-e-enjoy sa kuwentuhan nila. Nang matapos ang dinner namin ay nagpahinga lang kami saglit, tapos ay nagsimula nang uminom. Hindi naubos ang pagkain pero konti lang ang natira, kaya naman tumawag ulit kami ng waiter para maka-order ng pulutan. “Are you sure you don’t want to drink?” mababa ang boses na tanong ko sa asawa ko, ngumiti naman siya at umiling. "Alright, I’ll just order you an orange juice, then,” saad ko pa kaya marahan siyang tumango at bumaling na ulit kina Daniel at Ara. Iyon naman ang ginawa ko. Sumimsim ako sa baso ko na may lamang Jack Daniel’s habang nakikinig pa rin sa masaya nilang usapan. Ang iba naming mga kasama ay nagkakantahan pero hindi naman masyadong malakas ang videoke, iyon ang napagpasyahan n

