Akala ni kaibigan niyang si Ashley ay hinding-hindi na siya aabot. Lalo't nai-kwento niya sa kanila na nagtalo sila ng kanyang ama.
Her Papa wants Vladimir to accompany her, which she fully refuse.
At dahil nga nakipagtigasan siya sa ama ay pinagsabihan siya nito na huminto na sa pagmomodelo dahil ipinapahamak lang niya ang kanyang saliri.
Gusto niyang magalit kay Vladimir. Bakit kasi ipaalam pa noto sa kanyang ama na may mystery stalker siya. Nag-alala ito tuloy.
Hindi naman siya galit sa kanyang ama. Naintindihan niya naman na tanging ang kaligtasan niya lamang ang inaalala nito. Pero hindi na siya paslit. Kaya na niyang protektahan ang sarili niya.
Aaminin niya, kahit naman siya ay nangamba nang malaman na may sumusunod sa kanya . Ayaw niyang ilagay sa alanganin si Ashley, at maging si Mirabelle. Ngunit kung takot ang kanyang paiiralin ay walang patutunguhan ang lahat ng paiigi niyang matuto ng self defense.
Isa pa pinaalahanan siya ng kanyang ama na maaring tauhan ni Dusk ang sumusunod sa kanya kaya kailangan niyang mag-ingat.
Oo, batid niya din na kapag nalaman ni Dusk ang lahat, mapupunta sa wala ang lahat ng pagproprotekta nila kay Mirabelle.
Ngunit sa huli, nagpasya din siyang pumunta sa New Jersey. May tiwala siya na si Dawn na ang bahala sa lahat. Kaya silang protektahan nito, at itago ang kanilang kinalalagyan.
Dahil kung hindi magaling si Dawn ay matagal ng natagpuan ni Dusk ang kanyang mag-ina.
Labag man sa loob ng kanyang mga magulang ay tumungo pa rin siya ng New Jersey.
Nang nasa New Jersey na siya ay agad na sumakay siya ng taxi, at nagpahatid sa bahay ng kanyang kaibigan na si Ashley.
It's been a year na hindi niya nakita ito, at ang kanyang inaanak na si Mirabelle.
Kinatok niya ang pintuan nito nang marahan. Ilang sandali din ang lumipas nang tuluyang bumukas ang pinto. Gusto niyang matawa ang makita niya ang nakatulala na mukha ng kaibigang si Ashley.
Saglit lang iyon, dahil ngumiti din agad nang malapad si Ashley.
"Abby! This is a wonderful surprise!" masayang bati ni Ashley sa kanya, at agad siyang niyakap nang mahigpit.
Napangiti si Abby, at tinapik ang likod ng kaibigan. Batid niyang hindi ito makapaniwala na nasa pintuan siya nito.
"Natutuwa akong nagbago ang isip mo. Salamat. Tiyak na matutuwa si Mirabelle nito. Sa wakas, kumpleto na tayo."
"I know. Humihingi ako ng paumanhin, kung nag-aalangan akong pumunta dito. I have this weird feeling na may sumusunod sa akin."
Napatingin lang ito sa kanya. "Huwag mo ng isipin iyon. Kung sino man sumusunod sa 'yo, I think tauhan iyon ni Dawny," sabi ni nito sa kanya. "Halika, Mirabelle is at he shore." Inilibot nito ang braso sa kanyang braso saka isinandal ang ulo sa kanyang balikat. "Salamat sa pagpunta."
Napangiti siya nang marinig iyon. "Paano ko mami-miss ang ganitong pagtitipon?" sabi niya, at humagikgik. "Ah, nandito na ba sina Megan at Dawn?" Inilibot niya ang kanyang mata.
Mabilis na tumango si Ashley. "Yes, but they're not here. Pumunta sila ng city. May bibilhin daw sila."
Binuksan nito ang exit door patungo sa seashore. At di kalayuan ay nakita niya si Mirabelle sa pampang, naglalaro kasama si Debra.
Nanatili silang nakatayo sa labas ng pintuan habang pinagmamasdan si Mirabelle.
"Ang bilis ng panahon. Ang laki na ni Mirabelle. At habang lumalaki siya nagsisimula na siyang magmukhang ama niya," puna niya, at sadyang sinulyapan ang kaibigan para makita ang reaksyon nito.
Alam ni Abby kung gaano kasuklam si Ashley kay Dusk. Well, hindi niya ito masisisi. Kahit naman sino ay talagang masusuklam sa lalaking iyon. Kahit nga siya ay masusuklam sa kay Dusk. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Dusk sa kaibigan niya. Sinaktan nito, at sinira ang buhay ng kaibigan. At hindi lamang iyon, tahasang itinanggi pa nito ang sanggol na dinadala ng kaibigan.
"Narinig ko kay Dawn, n nagsisimula na siyang magtanong tungkol sa kanyang Tatay. Paano mo paghahandaan ang mga tanong niya?"
"I will tell her the truth, that she doesn't have a father."
"Kialangan mo talagang sabihin iyon? Even if you will hurt Mirabelle in the process?"
"Oo naman. He denies her, remember?" mapait ngunit sersyosong saad ni Ashley. "Ayokong paasahin si Mirabelle. I rather tell her the whole truth, than to give her false hope. Masasaktan pa rin siya sa huli."
"Pag-isipan mo muna. Kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin maitatanggi na si Dusk ang ama niya. Look at her, kamukha niya talaga si Dusk."
Galit itong tumingin sa kanya si Ashley, na parang gusto nitio siyang katayin.
Pilyo niyang pinagtawanan tuloy ang kaibigan, kaya lalo naningkit ang mata nito. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Sinasabi ko lang ang katotohanan."
"Tumigil ka, Abigail, kung ayaw mong makuha ang bad side ko."
Pilya siyang tumawa. "Mahal mo pa rin siya, 'di ba?!"
"Hindi! Ilang ulit ko bang sabihin na hindi ko siya mahal."
"Wag mong ipagkait, Ashley. Paliktarin mo man ang mundo, hindi mo mapagkakaila na sa unang tingin pa lang ay si Dusk ang kanyang ama," sabi ko sa kanya. "Lokohin mo na ang lahat pero hindi ako. Galit ka sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo. Mahal mo pa siya."
Yamot itong napatingin sa kamya. "Granting what you said was so true, ano naman ang maibibigay na kabutihan niyan sa amin? Hindi pa din mababago niyon ang katotohan na iniwan niya ako sa ere, sinira niya abg buhay ko, at ikinatwa niya si Mirabelle. How can I tell him about her when he wants nothing to do with her. Minsan na akong napahiya, hindi ko na hahayaan na mapahiya ako muli. "
"I'm sorry. Nais ko lang makitang masaya ang inaanak ko. But of course, I am not her mother," sabi ni Abby, at hinawakan ang kamay ng kaibigan. "Lapit na tayo kay Mirabelle."
Napatingin si Ashley sa kanya. "Naunawaan kita. At I'm happy dahil mahal na mahal mo si Mirabelle. But you have to understand that there's no I could give her the family she deserves. Masyadong malalim ang mga sugat na iniwan ng nakaraan. At alam kong mauunawaan mo ako. I really hate Dusk like the way Xander."
Napabuntong-hininga si Abby. "Naiintindihan ko, at patawarin mo ako," paumanhin niyang sabi. "Tama ka. Hindi ganoon kadali ang lahat."
Sasabihin sana niya sa kay Ashley na nakipagtalo siya sa kanyang ama ngunit hindi niya na nagawa dahil malakas na tinawag siya ni Mirabelle. Patakbo itong lumapit sa kanya.
"Ninang Gorgeous! Nandito ka!" pasigaw na sabi ni Mirabelle.
Natatawang sinalubong niya ito, at agad itong niyakap nang magkaharap na sila.
"How's my beautiful pamangkin?"
"I'm fine po," sabi ni Mirabelle, at pinulupot ang kamay nito sa leeg niya. " Up!"
Natatawa siyang binuhat ito. "Gosh, you're so heavy," puna niya, at hinalikan ang pisngi ni Mirabelle.
"Ninang Gorgeous, 'di ba may regalo po kayo sa akin? Birthday ko po," sabi ni Mirabelle. "Ninang Pretty and Ninang Ganda went to the city to buy me a cake."
"Of course, may regalo ako sa 'yo! Makakalimutan ko ba iyon. Ang tanong, naging good girl ka ba?"
"Opo, Ninang Gorgeous. Tanong pa ninyo kay Mama," sabi ni Mirabelle, at pinaglaruan ang kanyang buhok.
"Talaga? Sige, mamaya ko na sa 'yo ibigay. Now, let's get to the shore."
Buhat-buhat si Mirabelle ay tumumgo sila sa may shore. May cottage na ipinatayo doon ang mga magulang ni Ashley. Sakto lang para pagtambayan nilang magkaibigan.
"Abigail, buti't nakahabol ka," siglang bati ni Debra sa kanya nang makalapit na sila sa cottage.
She smiled at Debra. "Oo naman ho Hindi ko palalampasin ang kaarawan ng batang ito. Saka matagal na kaming hindi nagkita nina Dawn, at Ashley."
Umupo sila sa upuan na nasa fixed sa loob ng cottage. Nilalaro ni Mirabelle ang kanyang buhok habang si Ashley ay nakaupo sa kanyang tapat, at pinagmamasdan sila.
Halos tanghali na pero makulimlim ang langit. Mukhang nakikisama si Haring Araw sa kanila dahil nagtatago ito sa ulap.
Iniwan sila ni Debra para kumuha ng kanilang makakain. Maya-maya pa ay dumating na din sina Megan at Dawn. May dala-dala ang mga ito ng balloons, cake at pagkain.
Tuwang-tuwa si Mirabelle nang makita ang mga balloons. Sinimulan nilang ayusin ang lahat. Excited na pinagmasdan lang sila ng kanilang inaanak.
"I'm glad na nagbago ang desisyon mo," sabi ni Dawn sa kanya.
"Oo nga. Akala ko din ay hindi ka talaga dadating. Mirabelle keeps on asking for you."
"Guys, alam naman ninyo na hindi ko matitiis na hindi kayo makita, at si Mirabelle. We're on this together. Kaya there's no way, I will not come here. Kahit pa na nagtalo kami ni Papa."
Lahat sila ay nakatingin sa kanya na parang nagtatanong.
Pero binigyan niya sila ng pinakamatamis niyang ngiti. "I will tell you later. Promise. Subalit sa ngayon, pasayahin muna natin si Mirabelle."
Sumang-ayon naman ang lahat sa kanya. At tulad ng mga unang araw, ipinagdiwang nila ang kaarawan ni Mirabelle. Kumakain at umiinom sila ng alak.
Nagtatawanan sila, at nag-aasaran, at si Mirabelle naman ay humahagikgik sa kanila.
Tuwang-tuwa si Abby na hindi niya namalayan na mabilis na sinasalinan ni Megan ang kanyang baso ng alak sa sandaling inumin niya ito. Sumasakit tuloy ang ulo niya dahil sa sobrang pag-inom niya.
"I think, I'm drunk. Care for a swim?"
"Ano'ng you think diyan, lasing ka na talaga," tuksong saad ni Dawn, at pilya siyang tinignan.
"Nilasing ninyo ako eh!" sabi niya, at isa-isang hinubang ang kanyang saplot. "Basta ako maliligo ako!"
"Hala, Ninang Gorgeous is striping," sabi ni Mirabelle, at agad na ginaya siya. "Maliligo din ako!"
"Ako din!" sabi ni Dawn, at tinignan so Megan. "Huwag ka ng pakipot diyan. Maghubad ka na din."
Napailing na lang tuloy si Debra nang makita silang nagsihubaran na parang mga Eva ng unang panahon.
Nagtilian silang tumakbo sa tubig. Nakikigaya din si Mirabelle sa kanila.
At kagaya ng ginagawa nila taun-taon, naghahagikgik sila habang nagsasaboy ng tubig sa isa't isa. Saka naghabolan sa tubig.
Masayang nakipaghabolan si Abby sa kanyang ang kaibigan habang si Mirabelle ay gumagawa ng sand castle sa kanilang harap.
Pagkatapos nilang maghabolan ay nagpasya na silang maligo sa dagat. Nagkarerahan pa sila kinalaunan.
Pagkatapos nilang magsawa sa paglangoy ay umahon na sila, saka nagbanlaw.
Nang matapos silang maligo, lahat sila ay nagkukumpulan sa malaking guess room sa ikalawang palapag.
Naluluha ang mga mata ni Abby habang nakatingin sa lahat. Naisip niyang tama lang ang desisyon niya na pumunta.
"Bakit parang naiiyak ka?" usisa ni Ashley sa kanya. " Nagtalo ba kayo ni Papa Howell?" Sinusuklay nito ang mahabang buhok ni Mirabelle.
Tumango siya. "Pero wala itong kinalaman doon. These were tears of jot. Ah, um-- masaya lang ako na after all these years, magkasama pa din tayo."
"Oo naman. Wala naman makakasira sa ating pagkakaibigan. Solid pa rin tayo, " nakangiting sabi ni Megan.
Niyaya sila ni Ashley na pumunta ng balcony sa second floor. Lumabas ito saglit para utusan si Debra na dalhan sila ng pagkain, alak at pilutan nila sa balcony.
Medyo malaki ang balcony ng bahay sa second floor.
"Saan pala sina Papa Martin, at Mama Jasmine?" tanong ni Megan nang nasa balcony na sila.
"Umalis sila," sabi ni Ashley, at ngumiti. "Ah, magkwento nga kayo tungkol sa mga nangyayari sa buhay ninyo."
"Same lang naman iyong nangyayari sa buhay ko. So pass, " sabi ni Megan.
"Ganoon din sa akin. Ang pinangkain lang ay mas lalong mapaghinala si Dusk. He always confront me, and asked me your location."
Namutla si Ashley. "Sinabi mo?"
"Hindi ah. Why should I? Pagkatapos ng lahat! Over my dead body!" seryosong tugon ni Dawn, at tinignan si Ashley nang masama. "Are you thinking that I will betray you?"
"He's your brother, " giit na wika ni Ashley.
Dawn look at Ashley with determination. "Yes, he is. And he might have suffer a lot of pain, but he deserved it. Kulang pa iyon sa mga sakit na pinadanas niya sa SA 'yo, at kay Mirabelle. So, I won't tell him about Mirabelle. Magdusa siya. Saka he's the reason why we aren't together."
Nakahinga nang maluwag si Ashley. Habang tahimik na nagmamasid lamang si Abby.
"Malapit na akong bumalik sa bahay kaya humanda siya. Hindi magiging madali ang lahat para sa kanya," dagdag pa ni Dawn saka bumaling sa kanya. "What about you, Abby. Ano ang bago sa 'yo?"
Abby sighed before telling them everything. Walang siyang iniwan na detalye.
"Be careful, baka si Xander iyang stalker mo. aaHindi naman malayo iyon," sabi ni Ashley.
Biglang kinabahan si Abby. "Impossible naman na siya iyon. Maliban sa galit iyon sa akin, he has no feelings for me."
"Gaano ka kasigurado? For all we know, siya ang sumusunod sa 'yo. O pwede din na inutusan siya ng kakambal ko na tiktikan ka. Alam nila na magkalapit pa din tayo," pahayag ni Dawn.
"I doubt it." giit niya.
"Hayaan mo. I will try to investigate the matter. Malalaman did natin ang lahat. Mag-ingat ka na lang."
"Sige," she said, and can't help to be nervous.
Huminga ng malalim si Abby, habang pinagsalikop niya ang kanyang mga daliri.
Sa likod ng kanyang isip, umaasa siya na hindi si Xander ang kanyang stalker.
Dahil kung tama si Dawn, mas lalo niyang kamumuhian ito.