Madaling araw na natapos ang fashion show kaya medyo pagod na sina Abby at Megan habang si Maycee ay buhay na buhay pa ang diwa, at nagawa pang maghayag na gumala. Ngunit pareho silang tumangging ni Megan.
Maliban sa pagod sila ay inaantok na silang dalawa.
"Ano ba iyan, guys! Madalang lang tayong magkita-kita, tatanggihan pa ninyo ako. Nakakatampo na kayo ha! Virginia has so much to offer, lalo na 'pag ganitong oras," pangusong sabi ni Maycee sa kanila na parehong ikinataas ng kilay nilang dalawa.
"Oh, come on, Maycee. Give me a break. Lagi ka kaya dito. Beside it's nearly two o'clock in the morning, may gana ka pang gumala! My leg hurts, and I want to sleep," sabi ni Megan, at humikab habang tinignan si Abby. "Si Abby na lang yayain mo. Gusto ko na talagang magpahinga."
Agad na napabaling si Maycee kay Abby. "What about you? Don't tell me, ayaw mo ding gumala. I mean, mag-sight seeing muna tayo. How about strolling down the beach."
"At this hour, nahihibang ka na? No, I pass. I don't really want to wander at this time, even if it's safe to wander," she said without hesitation. "All I want to take warm shower, and get some rest after," sabi pa ni Abby, at humalukipkip na parang nagiginaw.
"You can't, or you won't?" akusang sabi ni Megan sa kay Abby, at tinignan ito nang maigi.
Kampanteng sinuklay ni Abby ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri habang si Maycee ay nakatitig sa kanya, at mukhang naghihintay ang kanyang sagot.
"I swear, I'm tired, and not in the mood to roam around especially when Vladimir is just around the corner, guarding. It's making me uncomfortable," Abby answered in all truthfulness.
"So ayaw ninyo talaga kahit maglakad-lakad man lang?" sabay na tumango sina Abby, at Megan. Napabuntung-hininga na lang tuloy si Maycee. "You are both breaking my heart."
"Don't be too dramatic, Maycee. If there's one person who world understand us, ikaw iyon," natatawang sabi ni Megan, at hinampas ang kamay nito.
"Ah, ganito na lang. Bukas na tayo gumala pagkatapos ng pictorial namin ni Megan, tutal sa isang araw pa naman kami uuwi," pakunsuwelong sabi ni Abby, at ningitian ang kaibigan.
"Pangako iyan ha." Napangisi si Maycee, at makahulugang tinignan si Abby.
"Promise," sabi ni Abby, at pasimpleng humikab.
"Teka, ano'ng isyu mo kay Vladimir? Hindi ba't matagal na siyang nagtatrabaho sa ama mo? Dapat sanay ka nang paaligid-aligid siya sa 'yo."
"No, maniwala ka, hindi iyan sanay," singit ni Megan.
Puno ng kuryusidad na hinarap ni Megan si Abby. "Matanong nga kita, mukhang maimpluwensya ang pamilya mo. Sabi ni Vladimir ay isang business tycoon ang iyong ama sa France." umaktong napaisip si Maycee.
"Bakit bigla kang nagkainteres sa buhay ni Abigail ha?" may pagdududang usisa ni Megan.
Napalabi lang si Maycee. "I'm just being curious. Wala namang masama doon," direktang sagot nito. "Isn't it fair enough that I know your family background since you're my talent. I think, I have every right to know about her. Saka paanong ang isang taong katulad ng iyong ama, ay kayang bayaran ang isang tulad ni Vladimir. Balita ko, mataas ang presyo niya."
"Bakit hindi mo tanungin ang tatay ko," inis na sabi ni Abby. "Siya ang nagpapasweldo sa kanya. "My life is not an open book to the public and to you also. And... I thought I already clear to you that I'm a very private person." dismayang tinignan ni Abby si Maycee saka nagpakawala ng isang marahas na hininga.
"Nagtataka lang ako kasi. Alam kong mayaman ka pero ramdam ko na hindi ko nagsasabi ng totoo. Hindi ba't Russo ang apelyido mo? Tell me, how are you. he related to the Duke of Chartres? Russo din ang apelyido niyon?"
Nagkatinginan sina Megan at Abby. Ang tanging alam lang ng ahente nilang si Maycee ay mayaman si Abby. Maliban doon ay hindi na nito alam ang totoong estado ni Abby sa buhay.
Hindi isinasapubliko ng kanyang ama ang ano mang impormasyon ukol sa buhay nila. Nais ng kanyang mga magulang na manatili na ganoon para sa kaligtasan nilang lahat. At hindi siya tutol doon.
Tumawa nang mahina si Abby. "No, we're not related. Pareho lang kami ng apelyido. My father is a middle class businessman, " sabi pa niya, at umiling.
At totoo naman iyon. Hindi magaling sa business ang ama niya. Kahit nga sale talks ay hindi nito alam. Hindi ito kasing eksperto ng kanyang ina.
"How sure are you? Sometimes, our parents tend not to tell us their business," pagpupumilit ni Maycee.
"Precisely! That's my point," kaswal na sabi ni Abby. "Isa pa, napaka-ordinaryong apelyido ang Russo sa France. Kaya, kung ako sa 'yo, 'wag mo ng alamin ang buhay ko. My life is very complicated, same with the people in it. Ano na, hindi pa ba tayo aakyat sa taas? Atat na ko maligo nang makapagpahinga na."
Napangiti na lang si Megan nang inirapan niya ito.. "Noted, Mademoiselle. Hindi ko na ipipilit ang topic, nagiging dragon ka na. You exactly look like someone I've known," wika niyo, at napahagikhik.
"Hindi talaga gagala?"
"Maycee!" sabay nilang sabi, ngunit tumawa lang muli ang kanyang agent.
"Sige, kung ayaw ninyong gumala, umalis na tayo so we could go to at my friend's villa, nang matigil na iyang panglalaki ng inyong mga mata," paghagikhik nitong saad.
"Wait, anong villa? Akala ko ba dito tayo sa hotel naka-book," sabi ni Megan, at tinignan nang buong pagtataka si Maycee.
"No. We will stay in my friend's villa. Let's go the canopy. May van na naghihintay sa atin doon."
Napakurap si Megan. "Wait, hindi ba ito ang hotel na dapat tayong magpalipas ng gabi?"
"No, makulit ka din. Kasasabi ko lang na hindi sa hotel magpapalipas ng gabi kundi sa villa ng kaibigan ko," tugon ni Maycee, at napangiti nang tinignan siya nang kakaiba ng dalawang niyang alaga. "Hey, what's with the look?! Ayaw ba ninyo ng tahimik, at walang istorbo na paligid."
"What about our luggage?" tanong pa ni Abby.
"Nailipat na kanina pa," nakangising na sagot ni Maycee, at inakbayan silang dalawa. "Let's go."
HALOS hindi makapaniwala si Abby, at si Megan nang marating nila ang villa ng kanilang tutuluyan dahil nasa taas ito ng burol. At hindi lang iyon mukha itong kastilyo.
At nang tumigil na ang kanilang sasakyan ay agad na may sumalubong sa kanilang isang matandang babae. May dalawa pa itong maid na kasama. Nakadamit ito ng pang-Mayordoma habang ang dalawang babaeng nasa likuran nito ay nakasuot ng maeksing chambermaid uniform.
"Maycee, it is good to see you," sabi ng babae, at bumaling sa kanya. "These must be your friends." Tumango si Maycee. "Welcome to Virginia, beautiful ladies. I'm Prescilla, and I am the head of the servants." Ipinakilala din sa kanila ang dalawang kasambahay na nakatuka na mag-asikaso sa kanila.
"The guest room is ready upstairs. If you're famish, there is also food ready."
"No, we're good. The girls were tired, and want to rest," sabi ni Maycee.
"Okey, if you need anything, just say so. There is an intercom in every room, and every part of the house, it is connected to the kitchen. All you need to do is to press the number zero. Don't hesitate to press that number. I assure you that whatever you need, someone will take care of you at any time. If they ever ignore you, dial 1, and I'll take care of them."
Ngumiti lang ng tipid si Abby sa narinig habang si Megan naman ay inigala ang kanyang mga mata sa paligid. The place was well lighted kaya malinaw na nakikita ang kabuuan, at interior design ng bahay.
"This is not a villa," puna ni Megan ayon sa kanyang obserbasyon. "It's more a mansion to me."
"More like a citadel to me," sabi ni Abby habang inilibot ang kanyang mga mata sa paligid. Napansin niyang maraming guwardiya na nakatalaga sa paligid. At mukhang mula ang mga ito sa elite group. At ang nakakapagtaka ay kung bakit umiiwas ng tingin ang mga ito sa kanya.
"Hindi ba goons ang kaibigan mo?" seryosong tanong ni Megan.
Sa subrang seryoso ay saglit na kinabahan si Maycee ngunit naka-recover din siya kaagad. Dinaan niya na lang sa mahinang pagtawa para hindi siya mahalata ni Abby.
"Hey, impossible iyon. Masyadong maingat ang kaibigan ko, at takot iyon na gumawa ng ikapahamak niya. Huwag na ninyong pansinin ang mga gwardiya na nasa paligid. Masyadong praning lang talaga si Donald pagdating sa kaligtasan. Isa pa super fan siya ni Abby. Ayaw niyang balewalain ang kaligtasan natin habang nasa villa kayo niya nanatili."
"Oh, I can't wait to see your friend," natatawang sabi ni Megan habang paakyat sila ng hagdanan. "Sana lang ay hindi siya masuntok ni Abby. At sana... kasing gwapo siya ng ex nito."
"Megan!" saway ni Abby sa kaibigan.
"Totoo naman. Kung nakita mo lang ang ex mo, baka makalimutan mo na galit ka sa kanya."
"Hindi magbabago ang isipan ko. At kahit na magbago pa siya, he's the prince of hell to me."
"Nagka-boyfriend ka? Really? Hindi ko alam iyan ah!"
Inis na tinignan ni Abby si Megan.
"Sorry... my bad," pilyang sabi lang nito.
Umakyat sila sa may hagdanan nang nasa sila ng second floor ay halos napahanga si Abby sa structural design ng second floor. It's a large luxurious living room with a wide open side, and from where they are standing she can see a very modern eternity pool na kahawig ng pool na nakita niya sa loob ng isang kastilyo na pag-aari ng kanyang kinaiinisan na lalaki.
At maliwanag niya din nakikita ang nakamamanghang tanawin ng hillsildes.
This citadel is like a her house. A beautiful house at the hilltop.
Pero hindi pinahalata ni Abby ang kanyang labis na paghanga. Sa hindi niya maunawaang dahilan ay tila ang lahat ng kanyang pagod at ang kanyang kalungkutan ay tila naalis bigla, at ang tanging nais niya sa sandaling ito ay hubarin ang kanyang damit at isawsaw ang kanyang katawan sa malinaw na tubig.
"Abby," pukaw ni Megan sa kanya. "Don't tell me you wanted to swim."
Napakurap siya agad at nagsalita, "No, nagagandahan lang ako pero gusto kong maligo diyan bukas."
Umakyat nila ang third floor, at bumulaga sa kanila ang napakaganda, at malawak na guestroom. May dalawang queen size bed na nandoon. At dahil sa estado ng buhay ni Abby, para sa kanya ay ordinaryo na lang ang ganitong kalawak, at kagandang guestroom.
Sa kaliwang bahagi ay may isang mesa na may nakapatong na tatlong bouquet ng bulaklak; red roses, pink roses at purple snapdragons. Ngunit tanging ang purple snapdragons lang ang may card na nakadikit. At dahil usisera ang kanyang kaibigang si Megan ay kinuha nito ang card na nakadikit, at binasa.
"To Abigail. I'm your number one fan. How I wish to meet you in person but my schedule won't let me. Enjoy your stay at my house- Donald," kinikilig-kilig pa na basa ni Megan. "Ano kaya kong mag-extend pa tayo ng ilang days dito para makilala mo siya, what do you think, Abby Baby?"
Napailing lang si Abby, at nagsimula na maglakad sa banyo. "Ayoko nga. I'm not into dating. Saka baka nakakalimutan mo na kailangan kong bumalik ng France kaagad dahil bibisitahin ako ng mga magulang ko."
"Ay Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan iyon," sabi ni Megan, at pumasok na din sa banyo. Kumuha ito ng toothbrush at nilagyan ng toothpaste. "Pero Abby hindi ba't panahon na para mag-move on ka?"
Inirapan siya ng kaibigan. "Sa maniwala ka man o hindi, I have move on, Megan."
Napatigil sa pag-toothbrush si Megan. "I don't buy that. Hindi ka pa naka-move on. Kasi you don't go out with guys. I know the break up, leave a deep scars, and hurt you badly. But that's the reality of life. And I think, it's time to date a guy, and forgive, Xander."
"Never, I won't! Over my dead body. I'm sorry, but to me, men are all alike," mapait na sabi ni Abby. "Look, pinaasa ka lang ni Xyrel. Hindi kayo nagkaroon ng relasyon, habang ako ay niloko ni Xander, at pinaglaruan. Papano ko mapapatawad ang isang lalaki na walang puso na pinaniwala ako na mahal niya ako, at masaya siyang kasama ako? Pero pawang kasinungalingan pala ang lahat. Dahil wala akong halaga sa kanya."
Magsasalita pa sana si Megan pero pinandilatan siya ni Abby kaya hindi niya na pinagpatuloy pa.
Pagkatapos nilang mag-toothbrush at mag-warm bath ay agad silang nagbihis saka pinatuyo ang kanilang mga buhok.
"Tignan mo nga si Maycee, mukhang mas pagod pa siya kesa sa atin," natatawang saad ni Megan.
Napangiti na lang si Abby, at huminga na sa kama. "Good morning, and good night, Mengay. Tulog na tayo."
"Good night too, Abigail."