Chapter 1 - SHE STILL REMEMBERS HIM

2287 Words
Napakunot ang noo ni Abigail Fariza Almero Russo or mas kilalang Abby habang kausap ang kaibigang si Dawn Strawberry. Paano ba naman ay iniimbitahan siya nito na lumuwas ng New Jersey sa susunod na buwan para daw samahan itong dumalo sa kaarawan ni Mirabelle. Matagal niya ng kaibigan si Dawn, at balita niya'y hinihintay lang ng kaibigan ang pagbalik ni Mama Hera nito mula Spain para makapuslit ng New Jersey. "Kailangan mong dumalo. Hindi pwedeng hindi ka dadating. Nangako si Mengay na dadating siya. Inaasahan na tayo ng bata," sabi ni Dawn sa kanya. "Hindi ko maipapangako, Dawny. Busy ako ngayon. Sunod-sunod ang racket namin ni Mengay. Plus may tatapusin pa akong commission," bigay niyang rason kay Dawn. Ang totoo ay wala naman siya talagang gagawin, ayaw niya lang dumalo. Period! Saka hindi pa siya handang harapin si Dusk. Simula ng nagkaayos sina Dusk, at Dawn ay iniiwasan niyang makipagkita kay Dawn sa takot na baka nakaharap niya ang kakambal nito. At ang tunay na rason ng kanyang pag-iwas ay natatakot siya mag-krus ang landas nila ni Xander, ang lalaking naging puno't dulo, at rason ng lahat ng kanilang paghati, at maging ang kawalang tiwala nila sa mga lalaki. Magpinsan sina Dawn, Dusk, at Xander, kaya imposibleng hindi nagkikita ang mga ito, at nagkakasama. Napapraning na yata siya. Maliban sa New Jersey ang lokasyon ng pagdadausan ng birthday ng inaanak nilang si Mirabelle, iilan lang ang nakakaalam na buhay ito. Maging ang ama nitong si Dusk ay walang idea na may anak ito sa kaibigan nila. Nilagok niya ang kanyang kape, bago isinandal ang likod sa silya. "Busy? Oh baka naman may kinikita ka na diyan, Abigail, at hindi lang namin alam," tudyong sabi ni Dawn sa kanya na nagpabalik ng kanyang diwa. "You're wrong. I'm not seeing anyone," Abby said defensively. "Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko. Sa tingin mo ba, maniniwala pa rin ako sa tinatawag mong Love. Ni hindi ko nga mapagkakatiwalaan ang sinuman kahit ang sarili ko." "Abigail, Alam ko, nag-iwan ng malaking sugat sa puso mo ang pagtataksil ni Xander. But please listen to me, hindi lahat ng lalaki ay manloloko," giit na sabi ni Dawn sa kanya. "Ah... try for instance, Tito Howell. Hindi niya kailanman pinagtaksilan ang iyong ina. At... si Papa. Mahal na mahal niya si Mama. So please, stop caging yourself. Go out, have fun!" Abby crossed her legs, and rolled her eyes. "Just because you found your happy ending, you wanted me to follow suit you. Never! I rather be an old maid than trust a guy," she said irritably, about to end the call but she changed her mind, when Dawn continues to speak. "At sino naman nagsabi sa iyo na nahanap ko na ang happy ending ko ha? Hindi pa ako tanga para magtiwala sa mga lalaki! Basta dumating ka. Mirabelle misses you." Walang nagawa si Abby kundi ang pumayag. Napabuntong-hininga na lang siya bago tumatayo, at naglakad patungo sa balkonahe ng kanyang kwarto. Agad na sumandal sa railings, at muling napabuntung-hininga. Nitong mga nakaraang araw, masyadong hectic ang schedule niya. Ni hindi siya makahinga. Pero 'yun ang gusto niya. To bother herself to the point na wala na siyang oras gumala sa gabi. Sabi nga ni Stephanie ay isa siyang hibang dahil ang hilig niyang saktan o pahirapan ang kanyang saliri. Eh, sa ganoon siya, ano ang magagawa niya! Muli siyang nagpakawala nang malalim na hininga. Nais niyang tanungin ang sarili kung ano ba talaga ang gusto niyang mangyari sa buhay niya? Subalit maliwanag na pa sa sikat ng araw na wala siyang balak kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay, maliban sa 'wag magkaroon ng relasyon kanino man. Kasalanan ito ni Xander, paninisi niya sa dating nobyo. Dahil sa panlolokong ginawa nito sa kanya ay sobra siyang nagka-phobia, at nawalan ng kakayahang magtiwala kahit kanino man. Kahit na pinagpipilitan ng Mama niya na isang puppy love lamang ang nararamdaman niya noon kay Xander, na madali niyang makakalimutan. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang hindi maisip ang pagkabigong iyon. Hanggang ngayon ay hirap pa rin siyang magtiwala, at makipagmabutihan sa mga lalaki. Lagi may boses sa isipan niya na sa una lang matiyaga at tapat ang mga ito, sa huli ay lolokohin ka din nila, at iiwan. Siguro dahil sariwa pa din ang sugat sa kanyang puso. Ilang taon na ba ang lumipas? Isa, dalawa, tatlo? Tatlong taon na pala ang nakaraan. Tatlong taon na ng huli silang magkita ni Xander pagkatapos ng nangyari. Tatlong taon... tatlong taon na halos wala siyang buhay, at ayaw lumabas sa kanilang bahay. Tatlong taon na takot siyang lumabas, makipagkilala, at makihalubilo sa kaninong lalaki maliban kay Carlos. Ang taong naging kaibigan niya sa lumipas na tatlong taon. Napangiti siya nang kusa nang maalala niya si Carlos. Kasabay niyon ang paghugot niya ng kanyang cellphone. Akmang tatawagan niya na sana ang binata nang biglang may kumatok sa pintuan niya. Napilitan siyang lumabas ng kanyang kwarto, at bumaba ng ground floor, at tinungo ang pintuan, at sumilip sa maliliit na butas na nandoon. Dagling nagsalubong ang kanyang kilay nang mapansin ang pamilyar na mukha ng lalaki. Ito ang delivery boy na nag-deliver din sa kanya ng isang araw ng isang bouquet ng purple snapdragons,at ngayon ay may hawak-hawak na naman itong bouquet ng purple tulips. Napilitan siyang buksan ang pintuan. Ngumiti ito nang malapad sa kanya. "Good day, Miss Abigail. Delivery for you," sabi ng lalaki, at ibinigay sa kanya ang isang malaking pumpum ng purple tulips, at may kasama pa itong mamahaling chocolate. "It's look you have a persistent suitor." "Maybe a stalker. I do hope you can tell me who these came from." "I'm sorry. I wanted to tell you, but I didn't know either. They were ordered in advance." "Really? What if I don't want to accept it? I really had a strange feeling about this." "You can, but I will be scolded for letting you. And if you insist on not accepting it, I might lose my job. I have a family to feed," seryosong sabi ng delivery boy sa kanya. Ano daw, nawawalan ito ng trabaho? "As in seriously?" naguguluhang tanong niya sa lalaki. "Yes, Miss Abigail." Napailing-iling na lang siya, at napilitang tanggapin ang bulaklak, at chocolate. Pagkatapos niyang pumirma ay bumalik siya kaagad sa loob ng villa na kanyang inuukupa, at kinandado ang pintuan. Tumungo siya sa may kusina para maghanap ng bote na pwedeng maging pansamantalang vase ng bulaklak. Nang makahanap na siya, at agad na nilagyan ito ng tubig, saka binabad ang bulaklak sa tubig. Inilagay niya ito sa gitna ng lamesa sa kusina. Samantalang inilagay niya naman sa fridge ang chocolate. "Hindi ko alam kung ano ang trip ng nagpadala nito. Kung kilala niya ba ako?" parang tanga niya sabi sa bulaklak. "Gusto niya yatang punuin ng bulaklak ang villa na ito!" She sigh heavily. At wala sa oras na sumagi sa isipan niya, na simula ng tumira siya sa villa ay panay ang padala ng estrangherong lalaki sa kanya ng bulaklak. Napaisip siya tuloy na hindi kaya nasa paligid lang ito? O kaya'y kapit bahay niya? Dapat ba siyang matakot dahil baka nasa paligid lamang ang admirer niya? Kinapa niya ang kanyang puso, ngunit ni katiting ng kaba ay hindi niya nadarama. Hindi ba dapat mag-alala siya? Ngunit imbes na kabahan ay kakaibang kilig ang kanyang nadarama. At ang nakakaloka pa'y parang may kakaibang sigla na bumabalot sa katawan niya habang iniisip niya ang estrateherong nagpadala sa kanya ng bulaklak, at chocolate. "Nababaliw ka na yata, Abigail!" sabi niya sa kawalan. At napaupo sa silya. Napaisip siya, Ano kaya ang hitsura ng admirer niya? Gwapo? Simpatiko? May makisig, at matipunong katawan? O baka naman nananaginip siya ng kung ano-ano, iba naman ang hitsura nito. "Hey, tumigil ka nga, Abigail. Siguradong pangit iyon," saway niya sa kanyang saliri. "Kasi kung gwapo iyon, 'di sana hinarap ka na niya ng personal. Hindi iyong nagtatago siya sa iyo." paalala niya pa sa saliri. "O baka naman may kapansanan ito, kaya takot siyang manligaw ng personal." Tinampal niya ang kanyang noo, habang pilit na iniwawaksi ang mga kakaibang idea na pumapasok sa kanyang isipan. Napapaisip siya ng maigi kung ano ba ang dahilan kung bakit hindi man lang nagtangkang magpakita sa kanya ang estranghero niyang manliligaw? Hindi kaya napakasuplada ang dating niya sa malayo, kaya natatakot ito na pagmalditahan niya? Yes, supladita talaga siya. Naturalisa na niya iyon. Ngunit tinuruan naman siya ng kanyang mga magulang na rumespeto, at huwag manghusga ng ibang tao. Kaya nais niyang batukan ang kanyang saliri, dahil hindi pa man niya nakita ang kanyang misteryosong admirer ay mukhang nilalait niya na ito. Nalilihis na yata siya ng landas. Iniiling niya ang kanyang ulo, at nagpasyang na lang na muling magtimpla ng kape. Baka sakaling maging maayos ang takbo ng kanyang utak. Hawak ang isang tasa ng kape ay muli siyang pumanhik sa second floor, at tinungo ang balkonahe ng kanyang silid. Maingat siyang umupo sa silya na nasa balkonahe nila. Pinag-krus niya ang kanyang mga paa, habang hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang tasa ng kape. Mahilig siya sa kape. Ito ang dugtong ng buhay niya. Wala siyang lakas kapag hindi siya makapagkape sa isang araw. Walang malay na napangiti siya habang napamasid sa napakagandang view sa kanyang balkonahe. Malapit sa beach ang villa na kanyang tinitirhan Buti nga'y pinayagan siya ng kanyang ama na mamuhay na malayo sa mga ito, kahit na hindi sang-ayon ang Mama niya. Nasa Fabron, Nice siya nakatira, habang ang mga magulang niya ay nakatira sa lumang bahay ng lolo niya sa Saint-Isidore. Mayamang pamilya ang angkan ng kanyang ama. Marami siyang pinsan, pero siya lang ang babaeng apo ng kanyang grandparents kaya halos sunod ang luho niya sa mga ito. Aliw niyang pinagmamasdan ang malinaw, tahimik, at bughaw na dagat sa 'di kalayuan. Naalala niya ang kanyang kabataan, at ang tatlo niyang kaibigan. Kamusta na kaya sila? Matagal na panahon na hindi sila nagkikita. Kahit na nagkakausap sila sa phone, para sa kanya ay iba pa din ang personal na makita niya ang mga ito. Dumilim ang kanyang mukha nang maalala ang dahilan ng kanilang pagkawatak-watak. Isang pustahan! Pinaglaruan sila ng magpi-pinsan, at pinagpustahan. Ipinahiya sa buong campus kaya napilitan na ilayo sila sa isa't isa. Labis siyang nasaktan noon, na hanggang ngayon ay hindi pa din niya magawang makalimutan ang lahat. Nasira ang kanyang pag-aaral ng dahil doon. Kailangan nilang lumipat ng France para mailayo siya sa masakit na kahapon. Si Dawn ay napunta ng Spain, si Megan ng Canada, at si Ashley ay sa New Jersey. Ngunit himalang nagawang kalimutan ni Dawn ang lahat ng sakit na dulot niyon. Nagawa niya ding patawarin si Dusk, at Xander. Ngunit sila ni Ashley, at Megan ay hindi. Hindi pa sila naka-move on sa pangyayari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila magawang magpatawad. Hindi sila tulad ni Dawn na malambot ang puso, at nagawang patawarin sina Dusk, at Xander, pagkatapos ng lahat ay nagawa nito sa kanila. Sabagay kakambal ni Dawn si Dusk, at pinsan naman nito si Xander. Maliban pa doon, hindi naman ito talagang kasali sa pustahan Nagalit lang ito nang ipinahiya ni Dusk si Ashley sa buong campus. At sila naman ni Megan ay pinaniwalaa ng mga loko nilang boyfriend pero pinaglaruan lang pala ang kanilang puso. Habang nag-e-emote siya ay biglang tumunog ang kanyang phone. Napanganga siya nang makita ang pangalan ni Stephanie sa kanyang screen. "Hey, Mengay. Napatawag ka?" Narinig niya ang mahinang paghagikhik ng kaibigan sa kabilang linya. "Naku, Abby Baby, may racket tayo uli. Naalala mo si Maycee? Iyong agent na nakilala natin sa Madrid?" "Yeah, naalala ko. Ano ang tungkol sa kanya?" "Tumawag siya, at kinukuha tayong maging model ng latest swim wear ng Amor de Italiana nitong Sabado!" "Really? Pupunta tayo ng Virginia?" sabi niya, at malapad na ngumiti. "Hindi lang iyon, pupunta din tayo ng New York para sa isang prestihiyosong fashion show." Napahagikhik siya. "Ikaw talaga, Mengay, makapagsabi ka eh parang first time mo mag-model!" tukso niya sa kaibigan. "Ikaw kaya ang one of the most saught faces sa New York." "Wala iyon. Nagkataon lang na naging kaibigan ko si Timmy kaya ganoon." "Ang humble ng kaibigan ko ah," nakangising sabi niya, at biglang iniba ang usapan. "Tumawag si Dawny, punta daw tayo sa birthday ni Mirabelle, pupunta ka?" "Of course, pupunta tayo. Hindi maaring hindi tayo pumunta. Inaanak natin iyon eh. Saka 'wag kang mabahala, magkabati man si Dusk at Dawn ay hindi pa rin alam ni Dusk na buhay si Mirabelle. Kaya no worries." "Hindi naman iyon ang kinakabahala ko eh. Ashley could handle that. Itong secret admirer ko ang ikinababalisa ko," pagtatapat niya sabi sa kaibigan, at agad na sinalaysay ang lahat. "Hindi mo dapat pinag-aaksayahan ng panahon iyan. Hindi makakalapit iyan sa 'yo. You have bodyguards secretly protecting you, hired by your father." Napaawang ang labi niya. "Hindi magagawa iyon ni Papa. Hindi siya magtatalaga ng bodyguards ng wala pasabi sa akin." "Magagawa niya iyon. And your father doesn't have to tell you. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hinayaan ka niyang mamuhay na malayo sa kanila. Kasi nga bantay sarado ka." "Invasion of privacy iyon. Hindi pwede nilang gawin sa akin iyon." "Kaya nilang gawin, nagawa na nga eh Saka natural lang na protektahan ka niya, you're his only daughter, at isa lang prinsesa." "As much as I want to talk to you, but I think I hang up now. I need to speak to my father," sabi niya, at pinatay ang tawag. Abby shakes her head in disbelief. Kaya pala parang laging may umaaligid sa kanya kapag lumalabas siya, kagagawan pala ng kanyang ama iyon. Her father has a lot to explain...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD