CHAPTER 1

2173 Words
Hanggang ngayon hindi ko pa din kinakausap si Kojic dahil sa mga nangyari, hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit talaga ako sa mga ginawa niyang pagdedesisyon para sa akin. Gusto niya na siya lang ang laging nasusunod. Napaka dominante. Hindi naman ako robot na magsusundo-sunuran lang sa kanya— aso na inuutus-utusan lang at sunod lang ng sunod sa kanya! Alam ko asawa niya ako, hindi naman puppet na papagalawin ayon sa gusto niyang galaw. Tinatanong ko na lang sa aking sarili na mahal pa ba talaga niya ako o sinasabi na lang niya iyon. Na mahal niya ako dahil sa asawa niya ako. Dahil na lang siguro doon. Minsan hindi ko na nararamdaman ang pag-mamahal na sinasabi niya. Siya pa rin kaya ang lalaking pinakasalan ko? Yung lalaki na nangako na hindi ako hahayaan umiyak, masaktan. Ngunit ngayon siya na ang nagiging dahilan para maranasan at iparamdam sa akin ang masakit na bagay. Wala namang mali sa gusto ko, I just want to see the world. Since college siya ang number one supporter at nag-che-cheer sa akin sa lahat ng gagawin ko. Hindi ko na alam kung bakit biglang nagbago na. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na lahat nagbabago sa paglipas ng panahon dahil iyon lamang ang tanging permanente, ang mabilis na pagbabago. Pilit kong iniintindi kung bakit niya iyon ginagawa, patuloy kong iniintindi kung bakit. Pinaparamdam ko naman sa kanya na nandito ako para suportahan at samahan siya sa lahat. Iyon naman talaga ang ginagawa ko mula pa man noon. Bakit kaya ngayon sa lahat ng mga bagay pinapangunahan niya ako palagi, hindi ko alam kung bakit ayaw niyang maabot ko yung mga bagay na matagal ko ng pinapangarap na makuha ng ako lang walang tulong mula sa kanya. Siya ang nakasaksi sa mga hirap na pinagdaanan ko para lang makuha ko iyon, pinaghihirapan ko ang mga iyon siguro naman nararapat lang din na makuha ko ang mga iyon. I deserve it! Mahal na mahal ko siya. Kahit ano ay kaya kong gawin para sa kanya pero bakit sa maliit na bagay, hindi niya ako hayaan at hindi niya ako bigyan ng tiwala. Hindi ko naman siya iiwan uuwi pa rin ako sa kanya at trabaho naman ang pinunta ko doon. Gustong-gusto ko na magawa ang mga iyon dahil may chance na ako— but Kojic didn't allowed me. Ang tanging gusto ko lang maging proud siya sa akin. Sobra talaga akong nalulungkot ngayon dahil sa naulit na pangyayari. Ibinaling ko ang tingin ko sa malaking picture frame na nakasabit sa may ding-ding, picture namin ng ikinasal kami. We look both very happy in that picture iyon ata ang pinaka masayang araw sa buhay ko. Napaka swerte ko sa kanya. Sino ba naman ako kumpara sa kanya, isa lang naman akong scholar sa isang university na pilit nag-aaral dahil sa ayaw ko ng humingi ng tulong. Dahil wala naman na akong magulang kaya kanino pa ako hihingi ng tulong. Ulilang lubos na ako, noong dumating sa buhay ko si Kojic sobrang naging masaya ako. Kaya talagang nag sumikap ako para maabot ko ang mga pangarap ko dahil alam kong susuportahan niya ako at sasamahan sa aking success. I miss my Kojic, sweet ang napakalambing hindi yung laging mainit ang ulo. Galit na agad kala mo ay nag lilihing babae at parang ang bigat ng dinadala. Wala ka nang ginawang tama para sa kanya. Lumakad ako papuntang kusina para kumuha ng tubig. Tahimik ng buong bahay. Ako lang naman mag isa dito ngayon dahil wala pa naman akong lipad dahil naharang ni Kojic, araw-araw na naman ako dito hanggang sa wala pa akong lipad. Nagtataka akong tumingin sa orasan na naka sabit, bakit hanggang ngayon wala parin siya? Nag-aalala ako para sa kanya, kanina pa tapos ang working hours. Dapat kanina pa yon nandito, hindi man lang siya nag-abala na tumawag o mag text man lang ng malaman ko kung nasaan siya. Nakakapag-init ng ulo. Pag-uwi nito talagang tatalakan ko siya ng bongga! Gigil niya ako. Award sa akin ang lalaking ito, umuwi uwi lang siya. Pag kakuha ko ng tubig na upo muna ako sa sala para maghintay kahit saglit. Nasaan na lupalop na naman kaya 'yun naroon? Halos tatlong taon na din pala kami bilang mag asawa, mabilis na lumipas ang panahon. Naging masaya ang pag sasama namin. Napatingin ako sa pinto ng maka-rinig ako ng tunog ng sasakyan na huminto. Ibinaba ko ang baso na aking hawak tsaka tumayo, mabilis ang paghakbang ko patungo sa pinto para silipin kung si Kojic na ba ang dumating. Pagbukas naman ng pinto siya namang pagbaba ni Allen sa sasakyan ni Kojic kunot ang aking noo tiningnan si Allen na kaibigan ni Kojic. Nasaan siya? Nalipat ang atensyon ko ng makitang may kasunod pa itong sasakyan na pumarada din sa harap ng bahay namin, bumaba doon ang isa pa nilang kaibigan na si Canon. Mas lalo akong nag taka. nagpatuloy ako sa pag labas ng bahay, lumakad palapit doon. "Hi Jergen." bati ni Canon. "Hi! Wala dito si Kojic." sagot ko agad. Wala naman silang ibang gagawin dito kundi para kay Kojic lang naman dahil mga kaibigan niya ang mga ito. "Mabuti naman at gising ka pa iuuwi lang namin si Kojic lasing na lasing siya." paliwanag ni Allen. Nakakunot ang noo ko "Nasaan na siya?" "Bakit siya nag lasing?" Magkasunod kong tanong. Sinundan ko ng tingin ni Canon patungo sa kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin, naunang mag lakad ang dalawa at kinuha si Kojic na tulog na tulog dahil sa kalasingan. Nauna na ako sa kanila paakyat sa aming silid para ayusin ang pag bababaan ni Kojic, dahan dahan na nilang ibinaba inayos ko muna ang unan sa kanyang ulo bago ko sila hinatid pababa at iginaya palabas ng bahay. "Maraming salamat sa pag hatid niyo sa kanya." nahihiya kong sabi sa dalawa niyang kaibigan. “Maaga palang nag-aaya na siyang uminom. Kung ano man ang pinagdaanan nyo ngayon malalagpasan ninyo din iyan. Kakayanin ninyo ng magkasama." nakangiting sabi ni Allen. Tumango tango nalang ako. "Salamat ulit." Ngumiti lang sila pareho. "Sige na mauuna na kami at baka hinahanap na din kami ng mga asawa namin." paalam ni Canon. Ngumiti na lang ako, makaalis sila ay isinarado ko ang pinto bago pumunta sa kusina at kumuha ng palanggana na maliit at towel bago umakyat sa taas para punasan at napalitan na din ng damit si Kojic. Ibinaba ko muna 'yung planggana sa may gilid kumuha ng damit na pamalit, napapailing nalang ako habang pinag mamasdan siyang mahimbing na natutulog. "Hmm! Ang bait bait mo pagtulog ka!" nanggigil kong sabi habnag nakatingin sa kanya. Hinaplos haplos ko ang kanyang ulo. "Pasaway ka talaga... Kojic." nailing kong sabi sa kanya. Syempre, hindi naman siya sasagot. Kumilos na ako para bihisan siya. Una kong tanggalin ang sapatos at medyas niya, tsaka inumpisahan ko na siyang tanggalan ng damit, natanggalan ko na siya ng polo ng magising siya at dumilat. "Huy miss wag may asawa na ako magagalit yun!" iwas niya sa akin. Tinatanggal ko na 'yong belt niya, pinapalo niya pa ang kamay ko para mapaalis ang kamay niya na pumipigil sa akin. "SHUT UP! YOU MORON!" inis na saway ko. "Magagalit nga kasi ang asawa koh!" tanggi pa niya. Hindi ko alam kung naiinis ako o natatawa sa kanya, ayan inom inom hindi naman pala kaya! ngayon ko nalang ulit siya nakitang nagpakalasing ng ganito kalala, dati rati kaya niya pang'umuwi kahit gaano pa siya kalasing, nakaka uwi at nakakapag-drive pa pauwi. Tinuloy ko yung pag aalis ng pants niya ang kulit talaga panay pa ang hampas sa kamay ko parang gago. "Pag hindi ka tumigil igagapos kita!" naiinis na saway ko. Nahihirapan ako sa ginagawa niya. Nang matanggal ko ang pants niya at ibinagsak ko nalang muna sa gilid ng kama, inumpisahan ko siyang punasan mula sa mukha hanggang sa kaniya dibdib. "Yari talaga ako sa asawa koh." sabi niya at pilit na tumatayo. Halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya. “Wag kang magulo sabi!" "Miss wag kasi nag-away na nga kami pero hindi ko alam gagawin ko." Sumasagot pa. Naiiling nalang ako sa mga pinagsasabi niya sa akin! Tuloy lang ako sa pagpunas sa kanya para matapos na at maililigpit ko na yung mga nakakalat niyang damit. Inayos ko na yung pagkaka kumot sa kanya. "Matulog kana." bulong ko sa tainga niya bago halikan sa noo. Kahit ano namang galit ko sa lalaking iyan mas matimbang pa rin ang pagmamahal ko sa kanya, pinulot ko na ang mga damit na nakakalat. Ibinaba ko na nilagay sa laundry basket para pag nag pa dry clean bukas sama sama na at hindi na ako mag hahanap kung saan saan pa. Maaga ako bukas para maipag luto ko ng agahan. Nag-ayos muna ako ng mga pinamili ko na stock para bukas ay konti na lang ang aayusin ko, kailangan ko pang asikasuhin ang mga gamit at isusuot ni Kojic bukas. Hindi pa naman ako inaantok kaya tumambay muna ako sa sala at nanonood ng TV para kahit paano malibang ako. Umakyat muna ako sa taas kumuha ako ng unan. "Good night, honey." bulong ko bago ko kinuha yung unan tsaka bumaba sa sala para manood. Pero hindi pa ako nagkakalayo doon biglang tumunog yung phone ni Kojic na nakapatong sa side table ng kama. Kunot noo aking napatingin doon, lumapit ako para kunin iyon at sagutin pero bago iyon at tumigil na sa pag tunog. I get the phone to check if sino yung tumawag. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng kaba. Ayaw kong mag hinala pero dis'oras ng gabi tatawag. Alam ko ako ang asawa ako lang ang may karapatan na tawagan siya ng ganitong oras para icheck o pauwiin siya. Kahina hinala. Napatingin ako sa kaniya na mahimbing na natutulog. Hawak ko yung phone niya I try to open it."Wow, may password." Yari kang hinayupak ka pag gising mo bukas, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Well woman instincts never fail. This is so shits! Need back up, pero anong oras na paano? Nakakahiyang tumawag kay Gab para lang sabihin ang kutob ko! Hindi pwede to! Binalik ko yung phone sa ibabaw ng side table at nag palit na rin ako ng damit bago ako bumaba ay pinatay ko muna yung ilaw sa loob ng kwarto tanging ang liwanag ng lampshade ang nagbibigay ng liwanag sa loob ng kwarto. Pagbaba ko sinigurado na nakalock na ang pinto, hindi mawala saking isip kung sino ba yung tumawag kanina! I need to find out. Nilibang ko muna ang aking sarili sa panonood ng TV. Alam kong hindi ako patulugin ng kakaisip kung sino ba ang tumawag. In three years of being Mrs. Romero so far wala pa namang babaeng na involve sa tuwing nag aaway kami, subukan niyang mang babae gigilitan ko sila pareho ng leeg at babalatan ko ng buhay. “Fvck!" I said with frustration. Can't help it! Kailangan kong mailabas o may mapagsabihan nito dahil para akong mababaliw sa kakaisip. Gusto kong umakyat sa taas para gisingin at tanungin si Kojic kung sinong babae ang tumatawag dis' oras ng gabi. Hindi na talaga kaya, hinahanap ko ang phone ko, siguro gising pa naman si Tita ngayon. Tinawagan ko si Ren, maka-ilang ring palang ay may sumagot na "Tita..." "Yes, hello tulog na si Chie." boses ‘yon ng lalaki. Nagtataka ako kung sino ang sumagot ng phone niya, lalaki iyon. “Okay, thanks po." sabi ko lang at binaba na ang tawag. Sino ang lalaki nasa bahay ni tita? Omo! boyfriend niya ba iyon? Hindi ako makapaniwala sino kaya ang lalaki na iyon bakit nandoon siya sa bahay ni tita Mench ng ganitong oras? Ang tawag pa kay tita ay Chie? Something fishy. Jusko pati si Tita dumagdag pa sa aking isipin. Para akong malokoka sa kakaisip! Masakit na yung ulo ko dahil sa mga kaganapan ngayon, mga biglaan at di inaasahang pangyayari. Naupo nalang ako ulit. Bukas ko na tatawagan ulit si Tita pati na sila Gab. I want peace of mind. I close my eyes, 'Lord , can you give me peace of mind, I really want to sleep peacefully without thinking about what happened today. I know lord you will never allow things if you don't have purpose. I believe in you lord, amen’ I believe that god can move thru my life, alam kong maging maayos ang lahat dahil siya ang sentro ang buhay ko at hindi ito ibibigay sa akin kung hindi ko kayang lampasan ang mga problema sa buhay dahil kasama iyon sa araw araw. Hindi ko man siya nakikita pero kong narinig niya ang aking mga dasal. Siya lang ang naging sandigan ko ng mga panahong ako lang mag-isa na walang kahit ano o sino, He send Kojic to me. My light in my darkness days. Siya din ang tumulong sakin na magtiwala muli sa sarili. He's a blessing and gift from god. Kaya hindi ko agad agad isusuko ang buhay at mundo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD