Lumakad ako palabas ng kusina para icheck yung mga bata na naglalaro sa sala. Ang daming nag kalat na mga laruan sa sahig ngunit wala sila doon. Napakunot ang noo ko at nasaan na naman kaya nag suot ang mga iyon. Masyado na silang malikot at kung saan saan na nagpupunta. "Yuya baba kaw." Napatingin ako sa may hagdan nandoon ang tatlong makukulit. Paano yung pangalawa ko ay naka sakay sa railings ng hagdan. Ugali niya kasi mag papada usdos doon pababa. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalakas ang loob ng batang ito na parang hindi takot malaglag. Siya ang laging akyat ng akyat sa kung saan saan. Para silang mongkey sa sobrang kakulitan. Mabilis akong nainis. “KJ! Bumaba ka dyan." saway ko sa kanya naka pamewang ako doon habang nakatingin sa kanila. Tumakbo naman papalapit sa akin si K

