Maxim Enriquez Naglalakad kami ni Trevor ngayon pabalik ng opisina. Ganon pa din ang ayos namin. Nakahawak siya sa bewang ko at sabay kami sa paglakad. Ilang minuto din kaming nagtagal sa conference room. Kahit hiyang-hiya ako kanina, hinayaan ko nalang kase pagod daw siya. Nakakaawa naman 'di ba? Bakit hindi ko pa din siya maintindihan. Hindi ko siya mabasa. Naguguluhan ako! Hindi ko malaman kung kailan siya nagbibiro at kailan siya nagseseryoso tulad kanina. Tapos nakadagdag pa yung Mr. Moore na yon. Nakakainis. Ang laki ata ng galit saakin. Kesa magtanong kahit gustong-gusto ko naman talagang magtanong ay hindi na ako nagbalak pa. Alam ko naman na wala siyang balak na sagutin ang mga tanong ko mapapagod lang ako kakatanong. PAGKARATING nami

