Maxim Enriquez "Hmm! Wow! Ang sarap! Busog na ako!" Nakangiti kong sabi habang hinihimas-himas ang tiyan ko. Napatigil nalang ako nang marinig si sir Trevor na tumawa ng mahina. Napangiwi nalang ako at dahan-dahan napayuko. Ayan ka na naman Maxim! Ugaling patay-gutom! Nakakahiya ka talaga! "Masarap ba?" Tanong naman niya ng mahina. Ngumiti at nagthumbs-up ako sakanya. Totoo naman kasi! Ang sarap niyang magluto. Parang nakakain ako sa 5-star restaurant. "Masarap na masarap Trevor!" Masiglang sabi ko sakanya kahit hindi ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya. "Good that you liked it." Bulong niya pa at hinawakan yung ulo ko. Agad naman akong tumango sakanya at ngumiti. "Go ahead and take a bath then we go to sleep it's already late." Natawa naman ako kas

