Third Person POV "Let us stay like this for awhile please." Bulong ni Maxim habang nakayakap kay Trevor. It's already 6:00 am pero nakahiga pa rin sila. "As you wish, my love." Tatlong araw matapos kausapin ng nanay ni Trevor si Maxim. Napapansin ni Trevor ang pagiging clingy nito sakanya. Napansin din ni Trevor ang pagiging maalaga nito. Dati, siya ang laging nagaalaga dito. Ngayon gusto ni Maxim siya ang nag-aalaga. Pinagluluto niya, inaayos ang damit na susuotin, taking a picture of Trevor and spoiling Trevor with his hug and kisses. Trevor knew that there is something wrong. Ayaw niyang magtanong kay Maxim dahil alam niyang hindi siya nito sasagutin. So he will figure it out by himself. For now, hinayaan niya muna ito. Dahil malalaman at malalaman din niya kung ano ba tal

