Pabalik-balik sa paglalakad, iyan ang kasalukuyang ginagawa ni Krista. Hindi siya mapakali sa kadahilanang hindi niya alam ang kaniyang gagawin, at bukod pa roon ay nakalimutan niya kung saan nakalagak ang clinic ni Nigel. Kanina pa siya nasa parking area ng mansyon, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaalis. Bakit ba kasi hindi siya matandain sa direksyon? Ito na nga yata ang napapala ng taong masyadong hands-on sa business. Nakakapag-gala naman siya, iyon nga lang kadalasan ang lugar na pinupuntahan niya ay napuntahan niya na rin dati pa. She can't travel alone okay? "Señorita, ayos ka lang ba?" Napatalon si Krista sa gulat nang dahil sa nagsalita. Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang dahil doon, at iyon ay hinarap ng may matatalim na mga titig. "Dan naman, may bala

