Naalimpungatan si Krista ng may maramdamang mainit ngunit basang bagay na dumarampi sa labi niya. Nahihirapan man, unti-unti niyang idinilat ang kaniyang mata at siya'y mabilis na napabalikwas ng bumungad sa kaniya ang mukha ni Nigel. He's been kissing her! "Hi," may malapad na ngiti sa labing bati nito sa kaniya. "You awake? Or still half asleep?" tanong pa nito. "I-I'm fully awake now," paos niyang tugon, kaya nama'y mabilis siya nitong inabutan ng isang basong tubig na siyang mabilis niya namang tinanggap at ininom. "Dahan-dahan baka mabulunan ka," saad nito habang naka-alalay sa kaniya. Pagkatapos niyang uminom ay kinuha nito ang basong kaniyang hawak at kalauna'y tumayo. Sinundan niya lamang ng tingin ang matikas nitong likuran, sa ngayon ay wala na itong suot na lab, gloves, at

