"So you got a blonde boyfriend," saad ng isang pamilyar at mataray na boses, dahilan para kaniyang matulak papalayo si Nigel. Iyon ay mabilis niyang pinagtuonan ng pansin at ang kaniyang labi ay umawang ng makita niya ang kaniyang Ate Farrah. Nakataas ang isang kilay nito at nakapamewang pa. Her lips quiver and run towards her Ate and hug her tightly. "Ate! I missed you very much!" "Stop the drama will you?" rinig niyang bulong nito, pero kalauna'y niyapos naman siya pabalik na siyang mahina niyang kinahagikhik. Mabilis niya itong pinalaya mula sa kaniyang mahigpit na yakap at ito'y taimtim na pinagmasdan. Walang pinagbago, napakaganda pa rin nito. Ang kulay abo nitong mga mata ay matapang tingnan, ang kilay nito ay palaging nakataas at ang labi nito'y mapupula. Walang duda, ito nga

