Hindi pa man tumitilaok ang manok ay dilat na dilat na ang mga mata ni Krista. Labis ngang nagulat sa kaniya ang kaniyang ina ng siya'y madatnan nitong nagkakape sa sala.
"Sigurado ka bang natulog ka anak? Baka naman mamaya nagsisinungaling ka lang," Puno ng pag-aalala nitong saad habang malamlam na nakatingin sa kaniya.
Malapad na ngiti naman ang gumuhit sa kaniyang labi nang dahil doon. "I am one hundred percent sure mom. Hindi po ako nagsisinungaling,"
"Mabuti naman kung gano'n," her mother said then heave a sigh. "By the way my daughter, what kind of dress do you like? Do you want it fit? With slit? Tell me,"
Nanatili lamang siyang walang kibo, bagkos ay tinitigan niya lamang ito. Puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata nang dahil sa kagandahang tanglay ng kaniyang ina, na walang iba kundi si Gabriella Kate Pascual—Fortner.
Kahit na may dalawa na itong anak at may edad na, ay hindi pa rin maipagkakaila ang taglay nitong ganda. Ito ay maputi, may mahabang umaalon na buhok, mapupulang labi, manipis ngunit plakadong kilay, matangos na ilong, mapupulang pisngi, chestnut brown eyes na kaniyang namana at higit sa lahat mayroon itong boses na nakakahalina—na labis na kinababaliwan ng kaniyang ama.
"Are you listening to me Gabriella Krista Fortner?" Taas kilay nitong tanong dahilan para siya ay mapaayos at mapatikhim.
"Yes mom," she replied like a soldier.
"Mabuti naman kung gano'n," bahagya pa itong tumango nang dahil sa kaniyang tugon. "Siya nga pala anak. Kaya mo na ba talaga ang pinapagawa sa iyo ng lolo mo? Puwede kitang tulongan," wika nito ng makita ang tinitingnan niya sa telepono kaya naman mabilis niya iyong itinago.
Masuyo niya itong nginitian, at inisang lagok ang natitirang kape sa tasa na nakapatong sa mababasaging marmol na mesa.
"Don't worry mom, I can handle it po." She replied politely and kisses her mother's left cheek and bid goodbye.
Lakad takbo ang kaniyang ginawa upang sa gayon ay hindi siya maabutan nito. Kaniyang tinungo ng malaki't malawak nilang garahe sa mansyon at siya'y napangiwi ng makita ang samu't saring klase ng sasakyan doon. May mga brand-new, limited edition, limousine, big bike, four wheels and even a monster truck na pagmamay-ari ng pinsan at kuya niyang si Flynt—at ni anino ng kaniyang kotse ay hindi niya makita nang dahil sa laki noon.
"Oh ang aga-aga mo naman yatang nakabusngot,"
Wika ng isang malalim at malamig na boses, dahilan para siya ay bahagyag napaigtad. Mabilis niya iyong hinarap at siya'y nakahinga ng maluwag ng makitang ang Kuya Flynt niya iyon.
Habang salubong at hindi maipinta ang kaniyang mukha, ng kaniyang Kuya Flynt naman ay nakangiti ng malapat habang nagpupunas ng pawis.
"Puwede bang lagyan mo sa susunod ng tunog ang yabag mo kuya? Nakakagulat ka e," sikmat niya at ito'y inirapan pa.
Mahina lamang itong tumawa at pinisil ang kaniyang pisngi. "Parehas lang talaga kayo ni Piper,"
"Parehas kaming maganda," tugon niya at nag hair flip pa, dahilan para ito nama'y malakas na matawa. "Move your gigantic truck kuya, hindi ko mailabas kotse ko." dugtong niya pa habang masamang nakatingin dito.
"Answer my question frist," seryosong wika nito dahilan para siya'y mapalunok ng mariin.
"W-what is it?" Utal niyang tanong sa labis na kabang nararamdamn.
"Where are you going? Ang aga-aga pa ah? Tulo laway pa nga ang kuya mo tapos Ikaw maglalakwatsya na," mahabang saad nito na siyang kinangiwi niya.
Kahit kailan talaga ay wala siyang lusot sa isang 'to.
"Do you remember the task that grandpa gave me?" panimulang tanong niya.
"Yes why?" Salubong kilay naman nitong tugon.
"Well, as you see kuya I'm in the middle of doing it and my first step is to seek unique and beautiful designs. I will going to check each and every dessert and cake shops here in town," she answered.
"Why don't you use internet then? Mas mapapabilis ang gawain mo ron," saad nito kaya napakamot siya ng kaniyang ulo.
"Kasi nga kuya kailangan ko ring tikman..." Nagpipigil inis niyang tugon.
"Alam ba nila tita na aalis ka? Dahil kung hindi, hindi kita papayagan."
"Of course!" Maagap niyang tugon dahilan para tumalim ang mga mata nito. "They knew po kuya, nagpaalam ako..." Malumanay na dugtong niya.
As her cousin's face turns relax ay lihim siyang nagbunyi. Ang ibig sabihin lang kasi no'n ay malaya na siyang makakaalis.
"Just make sure Krista," boses nito'y may halong pagbabanta.
"A hundred percent sure kuya," nakangiting tugon niya kahit hindi naman talaga.
Walang salita itong tumalikod at naglakad sa mga nakaparadang sasakyan, at sa bawat hakbang nitong ginagawa ay siya'y bahagyang natutulala sapagkat wala talaga siyang marinig na tunog at ingay mula roon.
Malaki ang pangangatawan ng kaniyang Kuya Flynt, likod pa lang nito ay para ng pader and as far as she remember—her cousin's height is six feet and five inches.
"You're free to go now," makailang beses siyang napakurap ng ito'y sumulpot na lamang bigla sa kaniyang harapan.
"Kuya naman e!" Singhal niya at ito'y hinampas pa.
Nakangiwi't bahagyang tumatawa nitong ginulo ang kaniyang buhok at kalauna'y inalalayan siya papasok ng kaniyang kotse.
"Thank you kuya," she sweetly said while staring at his cousin's deep gray eyes.
"It's nothing," her cousin replied while smiling. "Mag-iingat ka. Call me if you're in trouble or something," dugtong pa nito.
"I will kuya," she giggles and bid goodbye.
She starts her car's engine and starts driving. Medyo natagalan siya sa paglabas ng kanilang hacienda sa kadahilanang napakalawak niyon, at sa totoo niyan ay muntikan pa siyang maligaw.
Nang tuloyan na siyang nakalabas, ay ibinaba niya ang bintana ng kaniyang kotse at inilabas ng kaniyang kaliwang kamay upang damhin ang sariwa't malamig na hangin.
A wide smile forms on her lips when she saw some deers, horses, goats and cows running around. It's so peaceful, and she loves it.
Malawak ang kalupain ng mga Fortner, halos karamihan dito sa Pampanga ay pagmamay-ari ng kanilang pamilya. Hindi siya nagmamayabang, sadyang gano'n lang talaga.
Pagkalipas ng bente minuto ay saka lamang siya nakarating ng syudad, hindi siya nagrereklamo—sa totoo niyan ay pabor sa kaniya 'to lalo na't ang bayan ay maingay at masyadong magulo.
Hindi naman gaanong malayo sa kabihasnan ang hacienda ng mga Fortner, sa totoo niyan ay may mga nakatira sa kanilang ibang lupain at iyon ay ang kanilang mga trabahante at ibang mga ahente.
Bago pa man siya tuloyang lumabas ng kaniyang kotse ay nagpakawala muna siya ng malalim na hininga. Tahimik siyang nagdarasal na sana'y walang makakakilala sa kaniya dahil paniguradong pagkakagulohan siya.
"This is it Krista. It's your first errand so keep calm and do your best," kausp niya sa sarili kasabay ng pagbukas ng pinto.
Bahagya siyang napapikit ng tumama ang sikat ng araw sa kaniyang mukha. Ang mainit na sinag nito'y nakakapaso ngunit kahali-halina. As her eyes adjusted on the sun, ay tinanaw niya ang malaki nilang mansyon na kitang-kita mula sa kaniyang kinatatayuan.
"What a beautiful sight to see," she whispered on her self as she fixes her spaghetti-strap floral chiffon maxi dress—a gift from his older brother Kohen.
She let her hair fell on her shoulder freely, with light make-up on, white gold rosary necklace with kunzite stone, a pastel pink baguette fendi bag, and a pair of nude pink two inches ankle strap sandals. In other words, and for short—she's lady in pink.
Muli, nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at nagsimula ng maglakad-lakad upang ang kaniyang misyon ngayong araw ay matapos na.
Samu't saring paninda ang kaniyang nakikita, mayroong mga prutas, gulay, karne at isda. Bukod pa roon ay mayroon ding nagtitinda ng mga damit na pasok sa kaniyang panlasa—pero sandali, tamang lugar ba ang napuntahan niya?
"Ganda, anong hanap mo? Gusto mo ba ng prutas?" Malakas na sigaw ng isang babaeng sa palagay niya'y nasa singkwenta y otso ang edad.
Masuyo at puno ng paggalang niya itong nginitian at nilapitan. "Hello po, good morning po." She greeted politely.
"Aba! Maganda na nga magalang pa," sikmat nito dahilan para pisngi niya'y mang-init at mamula.
"Hindi naman po—"
"Ang ganda mo naman ineng, kaninong anak ka?" Pagputol ng isang lalaki sa kaniyang sasabihin, ito ay may katandaan na at abalang nagpupunas ng mukha.
"Ahhh..."
"Huwag mo ngang tinatakot ang suki ko Erneng!"
"Hindi ko naman tinatakot ang suki mo Gayeng, nagtatanong lang ako,"
Napakamot na lamang siya ng kaniyang noo ng ang dalawa'y nagsimula ng magkagulo. Walang salita siyang umalis sa harapan ng mga ito at naghanap na lamang ng ibang maaaring mapagtanongan.
Sa kalagitnaan ng kaniyang paghahanap at paglalakad ay may nakita siyang isang batang umiiyak na siyang mabilis niya namang nilapitan at kinausap.
"Are you okay? Why are you crying? Anong maskit sa 'yo?" Sunod-sunod niyang tanong rito habang bahagyang hinihimas ang tumataas babang likod nito.
"I-ipin..." Humihikbi nitong tugon na siyang hindi niya naman naintindihan.
"H-huh?" She replied, clueless. "Come again? I didn't understand you I'm sorry," she added.
Nagtaas naman ng tingin ang bata, at ng magtama ang kanilang mga mata'y bigla siyang nanlumo ng makita kung gaano iyon kapula.
The poor boy keeps on crying while holding his right cheeks, but she can't do a thing because she don't know what hurts.
"Hush, don't cry sweetie..." Malumanay niyang sabi at pinunasan ang luha nito.
"M-masakit..." The poor child said while trembling.
"Tell me, what is it that hurts hmm?" Masuyo niyang pakikipag-usap.
"H-here..." The boy then opened his mouth, and a thunder strikes her when she realize what he meant by ipin.
"Oh shoot!" She snap. "Wait—what should I do? Tell your teeth to stop!" she panics.
The boy sniff and look at her like she's some sort of alien. "H-huh?"
She let out a frustrated deep sigh and stands up properly. "Wait for me here okay? I am calling for help," she said.
Panicking, she starts on running without proper direction or anything. She needs to get hurry before the poor boy died because of toothache. She needs to find someone who knows to handle a child in pain because she can't.
"f**k!" Malakas niyang sigaw ng mabangga niya ang isang matigas na bagay dahilan para siya'y matumba at mapaupo sa sahig ng tiangge.
Bago pa man siya tuloyang makatayo ay may nakita siyang isang malaking kamay na nakalahad sa kaniyang harapan.
Siya ay tumingala at saglit na natigilan ng makita ang isang lalaking mayroong asul at nangungusap na mga mata.
"I'm sorry for bumping you miss. I didn't intend to, please accept my hand," ang baritono, ngunit malamig nitong boses ay malamlam at tumatagos sa kaniyang buto.
Wala sa sarili niya iyong tinanggap, at nang ang kanilang mga palad ay nagsiklop—isang milyong bultahe ng kuryente ang kaniyang naramdaman, dahilan para ito'y mabilis din niyang binitawan.
"Are you okay?" Tanong nitong muli at inabot ang kaniyang bag na tumilapon.
"A-ahh...yes," she said stuttering for some unknown reason.
"Here," Ani ng lalaki at inabot sa kaniya ang bag na siyang mabilis niya namang tinanggap. "I sincerely apologize for bumping you," masuyo't may ngiti sa labing dugtong nito.
Tatlong beses siyang napakurap sa kadahilanang masyado na siyang nalulunod sa asul na mga mata nito.
"It's okay don't worry about that. Kasalanan ko rin naman, hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko." Paghingi niya ng pasensya rito.
"Do you mind if I ask why are you in hurry?" Ang boses nito ay malambing na para bang siya ay hinihili.
"I saw a child crying on that place..." Saad niya at itinuro pa ang kaniyang pinanggalingan, ngunit mabilis ding nanlaki ang kaniyang mga mata ng maalala ang dahilan kung bakit siya tumatakbo kanina.
"Oh hell no!" She shouted in disbelief.
What the heck is happening to her? Hindi naman siya ganito!
"Where is he? I can help you," saad nito na kahit papaano'y nagpakalma sa sistema niyang naghuhumirintado.
"There!" She pointed the place once again. "I am such a hurry because I saw a boy crying in pain," she explained while looking away.
Hindi niya magawang makipagtitigan sa lalaki, sa kadahilanang ang mga mata nito'y kakaiba ang epekto sa kaniya at ang atake. His eyes can make her forget everything, just like hypnotism.
"What happened to him?" She can feel the man move a little.
"His teeth happened,"
"I guess it's destiny why you bump into me,"
Muli niya itong tiningnan, and to her surprise—the man is staring at her while smiling widely.
"W-what do you mean?" She asks in low voice.
She may sounds calm, but she isn't lalo na ang puso niyang kulang na lamang ay lumabas sa kaniyang baga nang dahil sa sobrang bilis ng pintig.
"I am Nigel Vaughn Caine, and I am a dentist..." he replied while smiling, with his neck length blonde hair dancing with the wind.
At that moment, she knows it's over.