TINA’S POV Ilang araw din naging abalang muli si Xander sa kanyang trabaho pero imbis na sa apartment nito ito umuwi dahil mas malapit lamang ito sa embassy ay mas ninais pa nitong umuwi dito sa La Cinca kahit na halos isang oras ang magiging biyahe nito papunta at pabalik sa trabaho nito. Ang rason lang nito ay para may kasama raw ako kaya bilang pasasalamat sa mga naitulong nito sa akin ay nilulutuan ko na lang ito ng almusal at baon. Habang nasa trabaho naman ito ay hinayaan niya naman akong maglibot- libot sa iba pang pasyalan na malapit, gusto pa sana nitong samahan ako pero tumanggi na lang ako. Pagdating ng huwebes palang ay lumipad na kami pabalik ng bansa kahit na sabado pa naman ang kaarawan ni Gov. Roman. “Are you sure, doon kita ihahatid? Pwede naman sa hotel ka na lang ma

