Xander's PoV Hindi ko na hinayaan pang umalis si Kristina at sa halip ay sinama ko na ito. Habang naglalakad kami papunta sa tinutuluyan nito ay ramdam ko ang panlalamig ng kamay nito dahil sa takot na mahuli ito. Bukod sa nagt-trabaho siya ay Paso na rin ang hawak niyang temporary Travel na ibinigay ko kapalit ng kanyang nawalanh Tourist Visa. Napakadelikado sa kanya kung sakaling mahuli siya. Habang kinukuha Niya naman ang kanyang mga gamit sa Apartment na kanyang tinutuluyan ay kinausap ko ang may-ari ng paupahan sa kung may kailangan pa bang bayaran si Tina o wala na. Nang wala nang maiiwang problema ay Tinawagan ko ang aking driver upang ihatid ang sasakyan. Pagkahatid ay umalis na rin ito kaagad at nagcommute na lang. Nagdesisyon akong dalhin si Kristina sa aking bahay sa La Cinca

