TINA'S POV Nagising ako dahil sa labis na pagkangalay. Masakit ang aking batok dahil sa matigas na bagay na aking inuunanan. Ganyunpaman, gusto ko pa rin matulog dahil sa bango at sarap ng aking kayakap. Matigas, malapad at mabango ito. Amoy panlalaki pero hindi masakit sa ilong hindi gaya ng ibang pabango na napakatapang. Ang amoy niya ay parang ang mamahaling pabango ng kagaya kay Ambassador… Ambassador? Bigla kong naimulat ang aking mga mata nang parang isang pelikulang bumalik lahat sa aking alaala ang aking ginawa kagabi. Crap! Nasabi ko ba talaga ang lahat ng iyon? Nanaginip ba ako? Kaya ayaw ko talagang umiinom dahil nasasabi ko kung ano ang nasa isip ko. Gusto ko nang tumayo subalit nakapulupot ang kanyang mabigat na braso sa aking tiyan. Parang mas lalong sumakit ang a

