TINA’S POV Tahimik lang akong nakaupo sa tabi nito habang nagmamaneho ito papunta sa aming bahay. Inaamoy ko pa ang aking sarili kung kumapit ba sa akin ang amoy ng mga isda at imburnal sa palengke. “Napakaaga mo naman yata? Ang sabi kasi sa akin ni Tina ay mamayang hapon pa raw ang dating mo. Buti na lang ay maaga tayong namalengke. Tamo Tina, tama ang sabi ko. Ganyan na ganyan kasi ang Papa mo noon, kapag sinabi niya na dadalaw siya sa akin ng gabi tanghali pa lang nasa bahay na at may dala-dalang mga buko,” kwento ni Mama na nakaupo sa aming likuran. “Wala naman na po akong gagawin kaya nagpunta na po ako ng maaga para rin po makilala ko kayo,” sagot ni Ambassador na sumilip pa kay Mama sa rearview mirror. “Pasensya ka na Ambassador kung nakita mo kami sa ganoong akto. Hindi naman k

