TINA’S POV Gaya kanina ay iniwanan ulit ako ni Xander kasama ang artist sa aking kwarto. Sa dami ng ginawa sa aking mukha ay halos antukin na naman ako dahil halos isang oras din ang inabot. Pagkatapos niya akong make-upan ay pinasuot niya na sa akin ang gown na nabili namin sa Spain. Tinulungan din ako ng artist na isuot maging ang mga alahas na ibinigay sa akin ni Xander. Kahit ako ay napahanga sa aking sarili nang makita ko ang aking anyo sa harap ng salamin. Napakaelegante kong tingnan, hindi mo mahahalatang isa lamang akong dating bank manager na nadukutan sa ibang bansa dahil sa aking postura. Para akong isang dyosang kumikinang dahil sa mga dyamanteng nakapalamuti sa aking katawan. Nauna ng nagpaalam ang artist at ang kanyang assistant pagkatapos nila akong ayusan. “Mauna na

