"Para kang gago diyan pare, ano bang iniisip mo? Kanina ka pa tulala.." sabi ni Jordan kay Mikael. Wala, tumahimik ka nga diyan." Sagot naman ni Mikael sabay inom ng hawak na mainit na kape na tinimpla din ni Jordan. Madalang na ang mga sasakyang dumadaan dahil nga madaling araw na pero kahit ganoon naka standby pa din sila ng maigi. Andito ngayon sila nakapuwesto sa check point, hindi naman siya inaantok kahit pa alasdos na ng madaling araw. And they should concentrate on his work now lalo pa at may naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga sundalo at NPA kahapon kaya nga ito nga silang mga kapulisan ay naglunsad ng malawakang checkpoint. Kailangan nilang mahuli ang grupo na namaril sa mga sundalo, naka red alert ang buong kapulisan sa buong probinsiya dahil may posibilidad na maulit ang

