Literal na hindi nakatulog ng maayos si Mikael kagabi. Sino ba namang hindi? Sinaraduhan siya ni Irish ng pinto kaya ang wala siyang nagawa kung hindi matulog sa sala. Alam niyang galit sa kanya ang dalaga, at naiintindihan niya yun. Pag gising naman niya wala na ito, maaga pala umalis at hindi man lang nag abalang gisingin siya. Nabasa niya na lang ang text nito, pupunta daw ito sa bahay ng kaibigang si Glenda bago pumasok sa trabaho. What now Mikael? Tinitigan niya ang mga nasayang na pagkain sa lamesa, andoon pa din ang mga balloons na nakakabit sa mga upuan. Pinag-handaan talaga ni Irish ang birthday nito pero anong ginawa niya? Bigla tuloy siyang nakonsensya. Anong mukha ngayon ang ihaharap niya dito? At kapag nagtanong pa ito kung saan siya galing ano ang isasagot niya? Na galing s

