PROLOGUE Halvar, The Ironside

3618 Words
Denmark, 988 A.D.             Kumikinang ang ginintuang balat ni Halvar sa tama ng sikat ng araw. Ilang butil ng pawis ang gumigiti sa kanyang noo. He was  surveying his vast farmlands.  A smile curved on his lips when he focused his vision on the green field of grains, rye and oats.  At dahil mataba ang lupang minana niya mula sa kanyang mga ninuno, malulusog din ang iba’t-ibang uri ng gulay, halaman at mga puno  na nakatanim dito.             Mula sa mataas na lupang kinatatayuan, tanaw din niya ang lambak kung saan naroroon ang kanyang mga alagang hayop.  He had more than thirty heads of cattle,   twenty- five goats and pigs, fifteen bulls,  and more than fifty  sheep.  Second in importance to a Viking’s life as a farmer  was his sheep.  They were raised for their fleece, milk and meat. He had few horses also.  He kept them  only for their utility for travel and transport.  In his village, horse meat was prized.  It was a common, inexpensive part of their diet.  They even sacrificed them to their pagan gods and the meat was consumed as part of their feasting ceremonies.  But when he was baptized as Christian few months ago, he banned the killing and the consumption of horseflesh in his territory.            He owned the best breed of horse in their village, the Icelandic  gray horse. Though short, it was hard and sturdy.  He named it Sleipner, after the mythical eight-legged horse  of their pagan god, Odin. He breathed a heavy sigh.  Winter season was fast approaching on this part of Denmark.  Kung sa ibang tao ay nangangahulugan ito nang pagkukumahog sa pag-iimbak ng pagkain bilang paghahanda sa pagdating nang malupit na panahon, sa isang katulad niyang Viking warrior, ito ay nangangahulugan nang paghahanda para sa isa na namang pananakop at pakikidigma. But that was before. Few months ago, he realized that there was something more to live, far better than being a ruthless Viking warrior.           Walang kasing-lupit ang digmaan. At silang mga Vikings ang nagpasimula nito sa bawat pamayanan sa malaking bahagi ng Europa at ilang bansa sa Asya na napili  nilang sakupin.  Isa itong  kulturang minana pa nila sa kanilang mga ninuno.  When still young, he developed the unusual skill and passion in explorations and conquests in search of treasures and new settlements.  As a blood-thirst warrior, he enjoyed burning, plundering, pillaging and molesting women.    And like any other Viking, he found it honorable to  kill whenever and wherever he felt like it.  At ang bawat  tagumpay niya bilang mahusay na pinuno ng  hukbo ni Rangvald ang nagluklok sa kanya upang hirangin siya bilang isang jarl, ang pinakamataas na uri ng mamamayan sa kanilang village.           Ngunit isang umaga, nagising na lamang siya na taglay ang masidhing pagnanais na  iwan ang  marahas at makamundong mga  gawain.  At alam na alam niya ang tunay na dahilan kung bakit ayaw na niyang balikan ang dating pamumuhay bilang isang malupit na mananakop.  At iyon ay si Thora, ang pinakamamahal niyang si Thora.           More than a year ago, he and his men successfully raided a small village in northern part of United Kingdom.  They killed   many villagers including   children and a Christian monk and burned  houses and structures including the only monastery.  After the  attack, they named the place Volundr which means ‘a battlefield territory’.  Nagdala sila ng mga bihag na lalaki at babae upang gawing   mga thrall o alipin kabilang na ang napakagandang si Thora.           Nagtataglay si Thora nang  kulay mais na buhok, maamong mukha, kulay bughaw na mga mata , maputi at makinis na balat at balingkinitang katawan. The first time his eyes laid on her, he knew then that he wanted her to be his wife.  That’s why he personally instructed his men to spare her life.  He even killed some Vikings who dared to touch her while they were sailing  home.  He even refused to sell her to Arab merchants nor allowed her to be a servant in the longhouse of their village chief, Rangvald.           Nang minsang tinanong niya ito hinggil sa pangalan nito ngunit  hindi sila nagkaunawaan gamit ang kani-kanilang wika, ipinasya niyang tawagin itong Thora.  Malugod namang tinanggap nito ang pangalang Thora na ang ibig sabihin ay ‘kawangis ng isang kulog’.          At sa pagdaan ng mga araw ng kaniyang panunuyo rito at pagtrato na katulad sa  isang tunay na babaeng Viking  ay tinanggap nito ang iniluhog niyang  pag-ibig.   One thing that he was proud of was that unlike other cultures, they didn’t force women to marriage. And a Viking woman’s honor was taken very seriously in their village.  Marahil ay nakita at nadama ni Thora ang dalisay  niyang hangarin  kung kaya napahinunod ito na magpakasal sa kanya.  Taglay ngayon ni Thora ang  simbolo ng kapangyarihan at karapatan sa kaniyang bahay at kayamanan, ang susing tanso na siya mismo ang gumawa. Lagi itong nakasabit sa kasuotan nito.  Habang nasa katawan ni Thora ang simbolong ito ng kanyang pagmamahal at pagtitiwala, mananatiling matibay ang bigkis ng kanilang pag-ibig.  At walang sinuman ang may karapatang mag-alis nito mula sa kanya.  Naging mabuting kabiyak si Thora sa kanya.  She learned easily how to bake bread, milk his cows, mend his clothes and most of all, how to make his favorite honey wine, the mead. Sa kasalukuyan ay dinadala nito ang kanilang unang supling dahilan upang lalo niya itong mahalin.           It was Thora who taught him the Christian belief.   Few months ago, he went to other christianized village and asked a German priest to baptize him to become a Christian.   Mula noon ay tinalikuran na niya ang kanyang dating buhay bilang isang mandirigma at isang pagano.  Sa kasalukuyan ay mas ikinalulugod niya ang kaniyang buhay bilang isang magsasaka.  Ni ang pagiging isang blacksmith ay tinalikuran na rin niya.  Sa katunayan, sa trabahong iyon niya nakuha ang bansag sa kanyang  ‘the Ironside’.  Ngunit nang ipinaalam niya sa buong village ang kaniyang pagtalikod sa paganong relihiyon ay  marami ang hindi natuwa, kabilang na ang kanilang malupit na chieftain, si Rangvald, ang pinuno ng kinatatakutang tribo ng Berserkers.           His thoughts were disturbed when from a distance, he saw a group of men riding on horses.  Alam  niyang siya ang  sadya ng mga ito. Mabilis siyang sumakay kay Sleipner upang bumalik sa kaniyang tahanan.  Doon niya planong salubungin ang  padating na mga panauhin.           Eksaktong nakarating siya sa harap ng kaniyang bahay ay padating naman ang grupo.  “Ipinatatawag ka ni Rangvald,” wika ng pinuno ng grupo, si Ansgar.  He was tall and muscular.  Unlike most  Vikings, he had curly and jet black hair.  Most Vikings had blond or red hair maybe because of their long stay in the sea as sea pirates. He too, had red hair.           “Wala nang dahilan upang mag-usap kami, Ansgar.  Nasabi ko na ang aking pasya at wala na akong balak na baguhin iyon,” matatag niyang sagot. He threw glances on the other men, they were six including Ansgar.  He recognized them, they were his men when he was the commander of Rangvald’s army.  When he gave up the position, it was Ansgar who took over.           “Paumanhin, Harval. Pero mahigpit na iniutos niya na kailangang sumama ka sa amin dahil kung hindi…”           “Kung hindi ay ano?”           Lumipat ang mga mata ng kanyang kausap sa bandang likuran niya. Nang sundan niya kung ano ang tinitingnan nito ay nakita niya si Thora habang maingat na ibinubuhos ang nakatas na pulot-pukyutan sa isang sisidlan upang gawing alak. Nag-init ang kanyang mukha.  He knew Ansgar very well.  Noon pa man ay tila may kompetisyon na sa pagitan nilang dalawa.  And he liked Thora, as well.  Kahit mag-asawa na sila at halata na ang umbok sa tiyan ni Thora, batid niyang pinagnanasaan pa rin  ng hayop na ito ang kanyang kabiyak.   Naramdaman niya ang pagsulak ng kanyang dugo kasabay nang pagpintig ng kanyang mga ugat.  Gusto niyang patayin si Ansgar sa mga oras na ito.  Sapagkat para sa kanya, isang kalapastanganan na tingnan nang may pagnanasa ang kanyang asawa sa harap pa naman niya mismo. Bumalik ang tingin niya sa mga kaharap.  He calculated them.  They were six and fully armed.  He knew, he could beat them.  He was Halvar, the Ironside. The most ferocious warrior of Rangvald’s army.  Kahit ilang warrior ang humarang sa landas niya ay kayang-kaya niyang pugutan ng ulo gamit ang kanyang blood axe.  Even Ansgar couldn’t match him.   Hindi ba at paulit-ulit  niyang tinalo ito sa napakaraming beses ng kanilang pag-aaway?  Ngunit batid niyang ang pagiging marahas sa loob ng kanyang sariling bakuran ay hindi makakapagpabago ng isip ni Rangvald.  Isa pa, baka lalong malagay sa panganib si Thora at ang kanyang anak. Kung kaya ipinasya niyang minsan pa ay makikiusap  siya kay Rangvald.  Susubukan niyang muli na  kumbinsihin ito na payagan na siya sa kaniyang naging pasya na maging isang Kristiyano katulad ng namayapang hari ng Denmark, si Harald I “Bluetooth” Gormsson. Halvar wore again the complete ensemble of his helmet, shield, mail shirt and sword.  He also brought his deadliest weapon, the axe.  He knew Rangvald very well, his whims, caprice and injustices.  And he would not go to his place unprepared.  If he and his men would take advances against him, he would die fighting. He had fringes and short hair on the back of his head. This was well-groomed.  He also  had an elegant long moustache and a chin beard that reached his moustache. The skin on his neck  was neatly shaved.  He too, was tall and muscular.  His broad shoulders and chest marked his long years of experience as a farmer and at the same time, an occasional raider. A scar of three inches long across  his forehead with one end  reaching  the part between  his two eyes was distinguished as a  battle wound  of a true warrior.   He was thirty-five years old, and this was the most fruitful and happiest year of his life.  He had a family,  good farmlands  and a wealthy status in the village.  But now, he was afraid that all of these  could be taken away from him today by Rangvald, the greedy, envious and vindictive chieftain. He bid good bye to Thora saying that he would be meeting Rangvald.  Her blue eyes saddened, weariness registered on her beautiful face.  She too, knew the cruelty of Rangvald.  Maybe, she knew that this would not turn out to be a simple meeting only.  He kissed her.  He knew that she loved him also for  tears on her eyes flowed freely. His heart ached when he tasted her salty tears.  Ayaw niyang makitang umiiyak o nahihirapan si Thora.  Lalo na kung ang dahilan ay siya.  Tinuyo ng kanyang mga halik ang mga luhang nag-uunahang naglandas sa makinis nitong mga pisngi. “Ipangako mo na babalik ka, Halvar.  Pakiusap, ipangako mo.”  Her misty eyes met his. “Pangako, mahal ko.” He ended their conversation with a deep kiss.  He whisked the thought of having this kiss as their last. Ilang daang metro lang ang layo ng longhouse ni Rangvald kung kaya pagkaraan nang ilang minuto ay narating na nila ito.  Sinabi ng isa nitong tauhan na naghihintay ang chieftain sa kanilang hall.  But when he entered the hall, he sensed something.  He thought he would be meeting Rangvald alone but he felt he would be attending a Ting.  A Ting was a Viking assembly responsible for maintaining peace and order.  It was usually done  when settling  serious decisions in the village  such as deciding who owned a particular land or farm animals, arranging marriages and punishing criminals including those who broke the laws of the village.  It was composed of  twelve chosen judges,  the jarls or the elite with great economic power and the karls or the free-holding farmers with the right to bear arms. The thralls were not allowed to attend the Ting assembly.            “Ano’ng ibig sabihin nito, pinunong Rangvald?” he asked wearily. He saw the chieftain sitting on his throne while the twelve judges sat on the long table.  Mixed of jarls and karls’ were standing behind the judges. But what really caught his attention was the presence of Hildebrand, the chieftain’s wizard.           “Napagpasyahan ng kapulungang ito na parusahan ka, Halvar,  dahil sa tahasang pagsuway mo sa mga batas ng tribong ito.” Rangvald replied. He was nearly sixty-years old. He too, wore long beard and moustache. But his looked dirty and unkempt.           “Batas ng tribo o batas mo?” His anger started to boil inside him.  He was tried and convicted without his awareness.           “Alam mong pinatawad ko ang lahat nang pagsuway mo sa ating batas, Halvar.  Pero sadyang matigas ang ulo mo.  Noong una ay tumanggi kang gawing alipin o ibenta ang isang mababang uri ng babae.  Pagkatapos ay pinakasalan mo pa  at dahil din sa kanya ay tumanggi ka nang sumama sa ating mga pananakop.  Isinuko mo rin ang pagiging isang jarl’ at sa halip ay namumuhay ka ngayon bilang isang karl’.  Pero ang hindi ko na mapapalampas ay ang pagpapabendisyon mo bilang isang kristiyano.”           “Bilang isang malayang mamamayan ng tribong ito, may karapatan akong pumili ng sarili kong pananampalataya.” Pinilit niyang patatagin ang boses.           “Bilang isang Viking, ang relihiyong nakagisnan ang dapat mong yakapin hanggang kamatayan. At iyon ay walang iba kundi ang relihiyong ipinamana sa atin ng ating mga ninuno, ang  relihiyong  nauukol sa ating mga diyos.”           “Tapos na ang panahon nina Odin, Thor, Tyr, Frey, Freya at Balder, pinunong Rangvald. Panahon na ngayon ng nag-iisang Diyos, ang Diyos ni Thora, ang Diyos ng mga kristiyano at siya ring Diyos ng  dating hari ng bansang ito, si Harald ‘Bluetooth’ Gormsson.”           “Patay na si Bluetooth.  At kahit ipinag-utos niya noong nabubuhay siya na lahat nang nasasakupan niya ay kailangang  magpabautismo bilang kristiyano, isa ako sa iilang pinuno na hindi sumunod sa kanya kung kaya hanggang ngayon, ang kristiyanismo ay hindi tinatanggap sa lugar na aking nasasakupan.  Dito ay ako ang batas.  Ako  ang masusunod.  Walang sinumang hari ang puwedeng magdikta nang dapat kong gawin.  At ang pagpapalaganap ninyong dalawa ni Thora  sa relihiyong ito sa loob ng aking teritoryo ay isang kalapastanganan sa akin bilang pinuno at sa batas ng ating pamayanan.”           “Ikinalulungkot ko, pinunong Rangvald.  Pero walang sinuman o anuman ang puwedeng makapagpabago ng naging pasya ko.”           “Masyadong matigas ang ulo mo, Halvar. Dahil lang sa isang alipin ay itinatwa mo ang pagiging isang mahusay na mamamayan ng tribong ito.”           Sumulak ang dugo niya dahil sa pang-iinsulto ng pinuno sa minamahal niyang si  Thora.  “Kailanman ay hindi naging isang alipin si Thora. Siya ay aking kabiyak.  At dahil sa kasal na nagbigkis sa aming dalawa ay  maituturing na rin  siyang kauri natin.  At bilang asawa ko, nararapat lang na tratuhin siya  katulad ng pagtrato ninyo sa ating mga kababaihan.”           “Ganoon ba? Pero paumanhin, malugod kong ibinabalita sa iyo na dahil sa kalapastanganan at katigasan ng ulo mo ay napagpasyahan ng lupon na ituring kang isang thrall mula sa araw na ito. Batid mong ito ang pinakamababang uri ng mamamayan sa ating tribo at nangangahulugan ito nang pagtanggal ng lahat ng iyong karapatan sa batas, sa lahat ng iyong pag-aari at maging sa sarili mong buhay. At dahil sinuway mo ang mga batas ng tribong ito, isa ka na ngayong maituturing na kriminal at nangangahulugan ito na kahit sino sa ating tribo ay puwede kang patayin.”           “Malupit ka, pinunong Rangvald.”  He growled in anger.   “Ito ba ang kapalit ng lahat   nang nagawa ko bilang isang pinakamahusay mong mandirigma?  Dahil sa akin ay napuno ng mga alipin ang iyong bahay, dahil sa akin ay nagkakamal ka nang napakaraming kayamanan at kapangyarihan.  Ako rin ang dahilan kung bakit hangang ngayon ay kinatatakutan sa buong Europa at mga karatig-lugar ang ating tribo at ang iyong pangalan.”           “Tama ka.” The chieftain hastily stood up.  His eyes were also flaring.    “At dahil doon ay hindi kita papatayin.  Bilang isang napakahusay na mandirigma, hindi nararapat ang iyong kaluluwa sa malamig at madilim na  Niflheim.  At alam kong kakailanganin ka ng ating diyos na si Odin pagdating ng Ragnarok kung saan magdidigmaan ang mga mabubuting bathala at ang mga masasamang bathala kasama na ang mga higante at iba’t-ibang uri ng halimaw.   Kapag namatay ka sa pakikipaglaban sa panig ni Odin, sa pamamagitan nito, makakapasok ang iyong kaluluwa sa pinakaaasam na lugar nang lahat ng mandirigmang Viking, ang Valhalla.”           “Ano’ng ibig mong sabihin?” Biigla’y may takot na pilit nag-uumalpas sa kaniyang nagpupuyos na damdamin.           “Pansamantala kong ikukulong ang iyong espiritu sa loob ng sungay na  ito,” sabi ng pinuno sabay kuha sa isang drinking horn na iniabot ng isang alipin, gawa ito sa lantay na pilak at nababalutan ng mga mamahaling hiyas. “Makakalaya ka lamang sa panahong kailanganin ka na ni Odin.”           “Patayin mo na lang ako, Rangvald.  Mas ikatutuwa ko pa iyon.” Napahingal siya. Hindi sapat ang kanyang tapang upang hindi kilabutan sa susunod na mangyayari.  It’s true that Niflheim was the most horrible place every Viking could imagine.  It was primarily a realm of primordial ice and cold with nine frozen rivers.  But to be trapped inside the drinking horn for a long period of time was even more horrifying.  He wasn’t even sure if he would be freed anymore.  Where and when, that he didn’t know.            “Iyon din ang gusto kong gawin, Halvar. Pero nangangamba akong anihin sampu ng aking nasasakupan  ang  poot ni Odin kapag napunta sa Niflheim ang iyong kaluluwa.  Kapag hindi sumang-ayon ang diyosa ng lugar na iyon na si Hel, maaaring mabigo ang mga Valkyries na  mabawi  ang iyong espiritu  sa oras ng Ragnarok.  Alam mo naman na hinihintay ni Odin sa Valhalla ang kaluluwa ng mga mahuhusay na mandirigmang katulad mo.”           “Wala akong pakialam kay Odin.  Wala akong pakialam sa Ragnarok o sa Valhalla na sinasabi mo.  Ang gusto ko lang ay mabuhay nang normal sa piling ni Thora at ng aming magiging anak.  Nakikiusap ako, huwag mo akong ilayo sa aking asawa. Nagdadalang-tao siya at kakailanganin niya ako at ng aming magiging supling.”           A demonic grin flashed on his wrinkled face.  “Huwag kang mag-alala, nasa mabubuting kamay na ang maganda mong asawa.”           “Ano’ng…”           Mula sa likod ng mga taong naroroon ay pilit sumiksik si Ansgar habang hawak ang nagpipipiglas na si Thora. Inalipin ng matinding galit ang buo niyang pagkatao pagkakita na may ibang lalaki na humahawak ngayon sa kaniyang kabiyak.           “Thora!” he shouted.  He was sure that he left Thora in their house.  How come Ansgar was able to bring her here without his knowledge.  Had he knew that,  Ansgar would not reach this place.  Sa daan pa lang ay pupugutan na niya ng ulo ang lapastangang ito.         “Halvar, tulungan mo ako,” umiiyak na wika nito.           Sa isang iglap ay hinugot niya ang kanyang espada at ang blood axe. Humihiyaw na sinugod niya si Ansgar, desidido siyang patayin ito.  But two warriors blocked his way.  Buong bangis siyang nakipaghamok.  Umaatungal siya sa galit.  Siya si Halvar, the Ironside. Ilang libong ulo na ang kanyang pinugot gamit ang  mga sandatang hinulma niya sa sariling lakas. Kung pumatay siya noon alang-alang sa kayamanan at kapangyarihan, mas lalo siyang papatay ngayon alang-alang kay Thora at sa kanilang anak.  Ano’ng panama ng dalawang pipitsuging mandirigmang ito sa kanyang lakas at galing sa pakikipaglaban? Ilang minuto lang ay gumulong sa sahig na kahoy  ang mga duguang ulo   na humiwalay mula sa  mga katawan nito.           Ngunit kasunod noon ay ang pagsugod ng dalawa pa at nasundan iyon ng tatlo pa, hanggang hindi na niya  mabilang kung ilang Viking ang buong tapang na nakipaghamok sa kanya.  Tumilamsik ang dugo ng kanyang mga kaaway sa bawat ulos niya.  Daing at sigaw ang kapalit ng bawat balat at himaymay ng lamang nasira ng kanyang matalas na espada at axe. Gumulong ang mga napugot na ulo, braso at kamay ng kanyang mga kalaban.  Napuno ng dugo ang sahig at bawat sulok ng hall.           Hanggang isang humahaginit na espada ang hindi niya naiwasan at tumama sa kanang braso niya, nasundan iyon nang malalim na taga sa likod ng kanyang hita, dahilan upang  mapaluhod siya.  Nasundan pa iyon ng isang malalim na saksak sa kanyang tagiliran at sa kanyang tiyan, hanggang hindi na niya matukoy kung saan-saang parte pa ng katawan siya tinamaan nang sunod-sunod na saksak at taga.           Bloody and almost breathless, he fell to the wooden floor. One warrior dragged him closed to Rangvald.   Sa tabi nito ay nakatayo ang babaylan ng kanilang tribo, si Hildebrand.  Nakapikit ito habang umuusal  ng di niya maunawaang dasal habang hawak ng dalawang kamay ang drinking horn.  Bahagyang nakataas ang sungay na yari sa pilak  lampas sa ulo nito.           Nangapos ang kanyang hininga kasunod ay ang panghihina.  Naramdaman niyang parang may kung ano’ng hinuhugot mula sa kanyang katawan. He wanted to resist and stop Hildebrand but he was too weak to stand.  The least that he could do now was to crawl.  Blood was oozing from the different parts of his body.   He knew then, that his death was coming.   “Pagbabayaran mo ito, Rangvald…Isinusumpa ko, pagbabayaran mo ito…” He could hardly hear his own voice.           Sa huling higit ng kanyang hininga ay pinilit niyang tingnan si Thora sa kinatatayuan nito.  Nakita niyang umiiyak ito habang nagwawala pa rin sa mahigpit na pagkakahawak ng nakangising si Ansgar.           “Thora…” sa nanlalabo niyang mga paningin ay pilit niyang inaninaw ang kabuuan ng kanyang asawa. Ang buhok nito na kulay mais, ang maamo nitong  mukha, ang bughaw na mga mata, ang makinis na balat  at ang balingkinitang katawan.  Ang lahat nang iyon ay babaunin niya  hanggang sa kabilang buhay. At kung sakaling mabubuhay nga siyang muli sa panahon ng Ragnarok o sa  kahit na anumang panahon, isinusumpa niyang hahanapin  niya ito.           Si Thora.  Ang pinakamamahal niyang si Thora.           Ang kislap ng susing tanso  na nakakabit sa damit ng kanyang kabiyak  ang huling liwanag na nakita niya.  Kasunod noon ay kadiliman, isang nakasusulasok at malungkot na kadiliman.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD