KABANATA 12 "I knew it. Ayoko." Mabilis niyang sagot dito. "Kapalit no'n, hindi ka na paglilinisin o pagagawain ng mabibigat na gawain dito sa Hillcrest. Malaya ka nang magpahinga kahit anong oras mo gustuhin, hindi na madudumihan ang mga kamay at paa mo sa tuwing kailangan ninyo magbungkal sa malawak na garden nitong bahay ampunan." Natigilan sandali si Celeste, lahat ng binanggit ni Leon ay parang musika sa tenga niya! 'Yun ang pinaka pangarap niyang mangyari talaga magmula noong napadpad siya sa Hillcrest. Pero ayaw niyang magpahalata. Hindi muna siya ngumiti at sa halip ay taas-noong sinulyapan lang ang kausap. "I'm not interested." Labas sa ilong na pagsisinungaling niya. "Wala naman akong pakialam kahit mahirapan ako riyan, sanay na 'ko. Ang gusto ko lang na marinig ay maging k

