Chapter 14: Yuffie's Protector

1642 Words
Nagpaalam si Myoujin sa kaniyang daddy na pumunta sila ng Japan kasama si Yuffie. Magbabakasyon sila ng limang araw roon at upang maasikaso niya ng mabuti ang kaniyang nakabinbin na transaction sa organization nila. Nagulat naman si Aling Cossang nang makita niya si Master Myoujin sa kanilang bahay at kasama niya ang kaniyang anak na si Yuffie. “M-Master M-Myoujin,” gulat na saad ni Aling Cossang sa dati niyang amo. “Kumusta ka na, Aling Cossang?’’ sarkastikong tanong nito sa matandang ale. Nahihiyang tumingin ang matanda dahil alam nito ang kaniyang mga kasalanan kay Myoujin. “P-Patawarin ni’yo po sana ako sa mga kasalanan ko,” nanginginig na saad niya sa kaniya. Tumingin lang ito kay Aling Cossang atsaka tumawa siya nang napakalakas. “I am here because I need something for you.” Nakayuko naman si Yuffie at halata ang kaniyang pagkatakot. Lumapit si Manong Ronaldo sa kanila at umupo. Hindi mapakali si Aling Cossang dahil kilala nila ang kanilang mga pagkatao. Lalung-lalo na si Master Myoujin na medyo sarkastiko ang pag-uugali. “Relax, Aling Cossang wala naman akong gagawin sa inyo o kay Yuffie. Alam mo na ako ang nagpapaaral sa kaniya then she is my personal maid but no salary. She pays for your sins against me, hangga’t hindi naibabalik ang ninakaw mo sa akin hindi ko pakakawalan ang anak mo. She was imprisoned in my hand,” mahinahong saad nito sa matanda. Nagsisisi si Aling Cossang sa pagnanakaw niya sa pinakamahalagang yaman ni Myoujin. Napaiyak na lamang siya dahil nadamay si Yuffie sa kaniyang mga kasalanan. “Don’t worry Aling Cossang, wala naman akong ginagawang hakbang para sa iyong anak. Infact, gusto ko siyang isama sa Japan kahit limang araw lang kami roon. Alam mo ang ugali ko, can you please pack her things. Aalis kami bukas,” dagdag na saad niya sa kaniya. Alam ng matanda na ibabalik din ng binata ang kaniyang anak. Kahit may pagka-sartiko ang kaniyang pag-uugali tumutupad ito sa kanilang usapan. Pagkatapos naimpake ni Aling Cossang ang mga gamit ni Yuffie, tiningnan muna niya ito. “Bibili na lang kami ng bago, hindi na namin dadalhin iyan. Let’s go Yuffie,” wika nito sa kaniya. Nagyakapan ang mag-ina at limang araw silang hindi magkikita. Nagpunta sila sa mall at ipinamili niya ng gamit si Yuffie. “Heto na lang mga dadalhin mo. Mamimili pa tayo ng ibang gamit mo sa Japan. I forgot something, bra and panty pa pala,” tumatawang saad ni Myoujin sa kaniya Pumunta sila sa underwear area at namumula ang mukha ni Yuffie dahil sa panty na pinipili ni Myoujin para sa kaniya. Ang binili niyang panty para sa kaniya ay ang mga Thong at G-string style at maraming laces ang design nito. “Isuot mo ito mamayang gabi,” nakangiting saad nito sa kaniya habang hinahawakan nito ang garter ng panty at ini-stretch- stretch niya ito. “P-Pero h-hindi p-po ako nagsusuot ng ganyan master,” namumulang saad nito sa kaniya. “When you wear this, I’ll be excited in bed. Kaya isuot mo ito mamaya.” Palihim naman tumatawa ang mga sales lady sa underwear department store. “Mapusok na talaga ang mga kabataan ngayon. Hindi malayong maagang mabubuntis ang babaeng iyan. Kung sabagay pareho naman silang good-looking, model kaya sila?” bulung-bulongan ng dalawang sales lady. Napapansin ni Manong Ronaldo na parang excited si Master Myoujin na isama sa Japan ang dalagang si Yuffie. Bandang 11:00 am ay pumasok muna sila ng paaralan. Nagtataka ang lahat kung bakit kasama ni Myoujin si Yuffie sa kaniyang sinasakyang kotse. “Uy, Freya, kasama ni basahan si Myoujin mo,” wika ng isang estudyante kay Freya na kaklasi nina Myoujin at Yuffie. “Iba talaga kapag pinagpalaan ng kagandahan, kahit bulok na manika ay sumisikat,” saad naman ng isang estudyanteng nag-aaral sa kanila. Pagdating sa classroom ay labis naman ang sama ng tingin ng kaniyang kaklasi sa kaniya. Iniisip nilang nagpapansin si Yuffie kay Myoujin sa kaniya. Umalis muna si Myoujin at pumunta muna ito sa kaniyang VIP room upang may ihahabilin kina Xu Kai, Ryuu at Ji Hoon. Samantalang si Yuffie ay inaway siya ni Freya at pinagsalitaan siya ng hindi magaganda. Nakikipag-away naman sina Alice at Fiona upang ipagtanggol ang kanilang kaibigan. Dumugo ang labi at ilong ni Yuffie sa pagkakasampal at pagkakasubsob ni Freya sa kaniya sa kaniyang desk. Umiyak nang umiyak si Yuffie at walang tigil ang pagdugo ng kaniyang ilong. Walang-tigil naman ang pagpupunas ni Alice sa kaniya. “Why are you defending her? Totoo naman na malandi siya. Mismong anak ng may-ari ng school nilalandi niya!” pagalit na saad ni Freya sa dalawa. “Bakit may ginawa ba sa’yo si Yuffie. Kung naglalandi man siya, you don’t care about that!” pagalit na sambit naman ni Fiona sa kaniya. Wala silang subject teacher ngayon dahil may meeting ang kanilang teacher. Dumating na si Myoujin at nagtaka ito kung bakit nagkakagulo sa loob ng kanilang classroom. “What’s going on here?” pagtatakang tanong naman ni Myoujin sa kaniyang kaklase. “There’s a fight master,” sagot naman ng kaniyang kaklase. Nakita niya si Yuffie na umiiyak at dumudugo ang ilong niya. Agad niya itong pinuntahan at kinuha niya ang pamunas kay Alice. “S-Sino ang may gawa sa’yo niyan?!” pagalit na tanong nito kay Yuffie. Tumayo ito at saka siya sumigaw. “HEY, THAT’S ENOUGH!” pasigaw at pagalit na saad ni Myoujin sa dalawang nag-aaway na babae. Tumingin silang lahat sa kaniya at tumigil sa pag-aaway sina Fiona at Freya. “Who fought Yuffie?!” pagalit na tanong nito sa kanila. Itinuro nilang lahat si Freya at nabigla silang lahat nang isinubsob ni Myoujin ang kaniyang kaklase sa kaniyang desk. Dumugo ang noo at ilong ni Freya. Umiyak nang umiyak si Freya. “I’ll call my dad, I don’t care if you’re even the son of the owner of this school,” pagbabanta ni Freya kay Myoujin habang umiiyak ito nang walang tigil. Tumahimik ang lahat at natakot sila sa ginawa ni Myoujin kay Freya. “Call him, right now. At my command, you will be no longer be able to attend in our school. Get out!” pasigaw at pagalit na wika ni Myoujin kay Freya. Tumahimik na lang si Freya at idinala siya ng kaniyang mga kaibigan sa clinic. Nilapitan naman ni Myoujin si Yuffie at pinupunasan nito ang kaniyang ilong. “M-Master M-Myoujin ayos na po ako, galos lang naman po ito,” wika nito sa kaniya. Nagtataka ang lahat kung paanong sa paraan naging malapit ang dalawa. “Sila na ba?” bulong na tanong ng babae sa kaniyang kaklase na kaklase nina Myoujin at Yuffie. “Parang sila na yata, napaka-care ni Master Myoujin kay Yuffie. ang suwerte naman ni ragdoll. Maraming nangangarap na kababaihan sa ating master.” Tinabihan ni Myoujin si Yuffie at patuloy niyang pinupunasan ang labi at ilong ng dalaga. “May masakit pa ba?” pag-aalalang tanong nito sa dalaga. “Wala na po, master. Ayos na po ako,” tugon naman nito. Nakipagpalit siya kay Alice ng upuan at tinabihan ni Myoujin si Yuffie. Inusog nito ang kaniyang upuan upang sila ay magkadikit. “Alice, can you get a health kit at the clinic?” utos ni Myoujin sa kaniya. “Yes, Master Myoujin,” saad nito sa kaniya. Kumuha ng health kit si Alice at ibinigay nito kay Myoujin. “Tsk. Nagkasugat ka sa ilong at lips! Tingnan ko nga ang ngipin mo!” pagalit na wika at utos nito sa kaniya. Ibinuka ni Yuffie ang kaniyang bibig at tiningnan ni Myoujin ang ngipin ng dalaga. “Mabuti at walang sira sa pagkakasubsob ng no brain na iyon. Kung hindi masasapak ko siya!” Nagugulat na lang ang kanilang mga kaklase sa ikinikilos ng dalawa. Isinandal ni Myoujin ang ulo ni Yuffie sa kaniyang balikat at niyakap siya ng binata. “Matulog ka lang. Gigisingin kita mamaya. Ilang oras na lang aalis na tayo,” pabulong na saad nito sa dalaga. Nag-ring ang bell at hudyat na lunch break na pala nila. Pinuntahan ni Ji Hoon si Yuffie ngunit nakita niya na katabi niya si Myoujin at nakasandal ang dalaga sa binata. Pumasok na si Ji Hoon sa classroom at kinausap niya si Myoujin. “G-Good afternoon, Master M-Myoujin,” pagbati ni Ji Hoon sa kaniya. “Why are you here?” “Sabay lang kaming kakain sana ni Yuffie ng lunch, master.” “No, kami ang magsasabay.” Naging seryoso ang mukha ni Myoujin sa harapan ni Ji Hoon. Nagtataka si Ji Hoon kung bakit parang naging malapit ang dalawa sa isa’t-isa. “Hey, Yuffie. Gising ka na, tara sabay na tayong mag-lunch!” Inimulat ni Yuffie ang kaniyang mga mata at nagulat ito dahil nasa harapan niya si Ji Hoon. “I-Ikaw pala M-Master Ji Hoon,” pagtataka ni Yuffie na sambit nito. “B-Bukas na lang tayo magsabay Y-Yuffie.” “Sorry, Ji Hoon. She won’t be able to eat lunch with you tomorrow.” “W-Why Master?” “Yuffie and I are going somewhere. We will be gone for five days and she is my personal maid.” Nagulat si Ji Hoon sa iniwika ni Myoujin sa kaniya. “Let’s go Yuffie!” at saka niya hinila si Yuffie papunta sa kaniyang personal room. Iniwan nila sa loob ng classroom si Ji Hoon habang nakayuko at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Nadatnan naman ng dalawa na nagluluto si Manong Ronaldo ng lunch nina Myoujin at Yuffie. Biglang niyakap ni Myoujin si Yuffie. “Tanggalin mo ang pagod ko mamaya pagdating natin sa hotel at bago tayo umalis patungong Japan.” Pumikit ang binata habang kayakap niya si Yuffie. Tila nagiging komportable na ito sa kaniya. Napapansin din ng binata na laging nahihilo at parang nasusuka minsan ang kaniyang dalagang alipin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD