"APPLE? Aanhin naman ang apple?" kunot-noong tanong ni Karen nang ilagay ni Stock sa grocery kart nila ang isang apple. Ngayong araw na ito ay naisipan nitong mag-dinner sila sa condominium unit nito para maiba naman raw. At isama rin nito sa kakaibang iyon ay ang pagluluto nito ng dinner ngayong gabi kaya naman pumunta sila sa supermarket para bumili ng ingredients para sa lulutuin nito. Marunong daw itong magluto at specialty daw nito ang sinigang at adobo kaya naman ipagluluto raw siya nito. Kaya naman ipinagtataka niya kung bakit kumuha ito ng apple. "An apple a day keeps the doctors away," sagot nito sa kanya. "Ha? 'Di kita gets," "'Di ba Doctor si Eric? Gusto kitang pakainin ng apple dahil gusto kong umalis na ang doctor na feeling ko ay nangugulo sa utak mo nitong mga n

