Matagal-tagal rin na nagkuwentuhan sina Cash, Charity at Karen nang anggang sa biglang sumama ang pakiramdam ni Charity. Madalas raw ay tuwing hapon ito nakakaramdam ng epekto ng mga paglilihi. Pinagpahinga na ito ni Cash at binantayan ang asawa kaya naman naiwan siyang mag-isa sa restaurant sa loob ng clubhouse resort kung saan sila naglunch. At dahil nag-usap silang dalawa ni Stock na doon magdi-dinner sa araw na iyon ay hindi na lang siya umalis at nagpasyang palipasin ang oras sa suite nito sa loob ng resort. May susi siya noon dahil isa rin iyon sa paraan ni Stock para ma-build lalo ang trust niya rito kagaya na lamang ng alam niya ang number ng key code ng condominium unit nito. Aalis na sana siya sa restaurant nang may isang babaeng lumapit sa lamesa niya bago pa siya ma

