Chapter 7 Maria Pinunasan ko ang namumugto ko mga mata saka bumaba sa aking kama para kapain sa sahig ang aking antipara. Patuloy parin ako sa pag singhot habang hinahanap ang aking mga mata, hindi kasi ako makakita ng maayos kung wala ang mga iyon. Naiangat ko agad ang aking kamay ng may makapa akong paa sa sahig “A-Ah!” usal ko at naramdaman ko ang paglapit sa akin ng isang nilalang, napapikit ako ng nadama ko ang pag suot niya sa akin ng nawawala kong antipara, napapikit ako at unti-unti ding dumilat para makita kung sino iyon. “T-Tof... A-Ah G-ginoo...” nasambit ko ng makita ko siyang nakayuko sa harap ko. “That’s how bad your eyes, isn’t it?” sabi niya saka ko naamoy ang napakabango niyang hininga. Napalunok ako ng makita ko ng malapitan ang makisig niyang mukha, masasabi kong

