Chapter 10 Maria Minarapat kong lumabas ng aking silid dala ang maliit na banga na siyang pinaglagyan ko ng abo ng aking mahal na Lola. Nakipagkita ako kay Marcos para makiusap na gumawa ng bagay na proprotekta doon. “P-pero binibini anong nangyari dito?” Nagtatakang tanong ni Marcos sa akin, yumuko ako matapos makaramdam ng kalungkutan dahil sa nangyari. “Hindi ko siya nagawang protektahan gaya ng pinangako ko...” sagot ko na namumugto na ang mga mata, Isang malaking pagkakamali ang hindi pangalagaan ang labi ng aking mahal na Lola. “Malaki ang kasalanan ko...” “Binibini tahan na...” alo sa akin ni Marcos saka ko naramdaman ang kamay niya sa aking likod. Simula bata palang kami lagi na siyang andyan para damayan ako. Para protektahan ako, malapit ko siyang kaibigan at alam kong may

