Chapter 5
Maria
Dumiretso ako agad sa aking silid para magpalit ng aking damit matapos kong asikasuhin ang ilang bisita. Nakakapagod ang maghapong bumati at makipagkamayan.
Sinamyo ko muna ang mahalimuyak na amoy ng aking traje de boda bago ko ito tinabi. Hindi ako makapaniwala, nakatali na ako ngayon sa sakramento ng kasal sa isang lalaking hindi ko man lang nakilala noon.
Kinuha ko ang bistida na kulay nangupas na rosas, ito ay ibinigay sa akin ng aking Ina. Isinuot ko iyon, nanibago pa ako dahil ang tabas nito ay hanggang itaas na aking tuhod. Tinignan ko ang aking sarili sa harap ng salamin at doon ko nakita ang repleksyon ng aking maamong mukha. Hinaplos ko ang salamin kung saan ko nakikita ang aking sarili “Kumusta ka na Clara?” bulong ko saka ngumiti.
Naramdaman ko ang malakas na pag-ihip ng hangin at dumampi iyon sa aking buong katawan “Masaya ka na ba diyan?” habang hindi inaalis ang tingin sa salamin “Kakatapos lang ng aking pakikiisang dibdib...” pagpapatuloy ko “Nakita mo na ba ang aking asawa? Yung ginoo...” bigla akong nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi, teka bakit ako nakakaramdam ng ganito? “T-Toffer... Toffer ang ngalan niya...”
Naupo ako sa aking kama at huminga ng malalim “Ika lima siya sa mga pilit na ipinagkasundo sa akin...” hinamplos ko ang malambot kong higaan “Pero hindi ko alam kung bakit natuloy ang aming kasal sa pagkakataong ito hindi ko naman sinasadya ang... ang paghalik sa kanya.” hinawakan ko ang aking labi, iyon ang una kong pagkakataon, pero hindi ko maalala iyon ng maayos, ni hindi ko maalala ang pakiramdam ng halik na iyon.
“Clara... siguro kung nabubuhay ka, ikaw ang ikakasal sa kanya...” biglang nanlumo ang aking mukha “Ikaw kasi yung... yung mas maganda sa atin...” saka ako nangiti.
“Saka ikaw ang kinagigiliwan ng lahat...” biglang bumalik sa akin lahat ng ala-ala ng kahapon, biglang sumikip ang dibdib ko ng bumalik sa aking balintatanaw ang mapait na karanasang iyon... ang araw na iniwan kami ng aking kakambal.
Marami ang nalungkot ng nawala siya. Ramdam ko ang kalungkutan at pagluluksa hindi lamang ng aking mga magulang kundi pati ng lahat ng tao dito sa Kibok-Kibok, lahat sila tila wala sa sarili. Halos mawalan na sila ng mga ngiti sa labi.
Minahal si Clara dahil sa pagiging simple at pinong-pino kumilos. Kasalungat ko siya...noon...Napangiti ako ng maalala ko ang mga araw na naglalaro kami sa paligid ng hacienda, hindi siya tumatakbo na parang sa mga kalaro naming ibang bata. Pili ang mga galaw at salita niya. Magalang siya at matalino. Hilig niya ang magsulat at bumasa.
Hindi siya gaanong magaling sa larangan ng musika, naalala ko pa noon na pilit ko siyang tinuturuan pero hindi niya talaga magawang matutunan ang pagtugtog. Si Clara... nagsilbi siyang huwarang anak sa lahat ng Kibokibokan. Mas minahal siya at kinagiliwan, kaya naman ng nawala siya...tila nawala na rin ang minahal nilang senyorita.
Na umabot sa puntong... pati ako, halos malimutan na rin nila. Wala akong sama ng loob sa aking kambal. Naging mabuti siyang kapatid sa akin. Kahit ako nangulila ng lubos ng namayapa siya hanggang sa isang araw, napagpasyahan kong maging siya.
Pinilit kong maging tulad niya. Hindi lang para sa sarili ko kundi para sa mga magulang ko na siyang nawalan ng oras hindi lang sa akin kundi pati sa mga ari-arian dito sa aming lugar. Naramdaman ko ang unti-unting pagkawili ng mga tao sa akin... matapos kong kumilos na tulad ni Clara... bumalik ang mga ngiti nila sa labi at ramdam ko na mas minahal nila ako at prinotektahan.
Naging masaya ako... Oo... naging masaya ako...para sa mga magulang ko... para sa mga tao...
“Senyorita Maria...” nakita ko ang pagbukas ng pinto “Inaantay na po kayo sa labas...” tumayo ako saka inabot ang cardigan ko na kulay puti, isinuot ko iyon, hindi kasi ako sanay na inilalantad ang aking balikat, isa pa, nakakaasiwa na ang suot kong bistida na ang putol ay nasa taas ng aking tuhod.
“Susunod na rin ako matapos ang limang minuto...” sagot ko sa aming kasambahay, agad na rin siyang umalis
Kinuha ko ang hairband na napapalibutan ng perlas, isinuot ko iyon para manatili ang aking buhok sa pwesto. Ngumiti ako saka tinignang mabuti kung walang duming sumabit sa braces ng ngipin ko. Inayos ko ang aking salamin saka bumaba na rin.
Nabigla ako sa dami ng tao sa aming sala. Sinalubong ako ng mga yakap, halik at mga bati. Ngumiti ako sa kanilang lahat, at nahagip ng mata ko ang aking asawa... oo asawa ko na siya. Nakatayo siya sa harap ng piano habang umiinom ng champagne. Nakatingin siya sa aking larawan... larawang kinunan nung ako ay desi sais anyos pa lamang.
Nakabihis na rin siya, nakasuot lang siya ng kulay puting kamiseta at pantalong may punit sa magkabilang tuhod. Nakasapatos rin siya ng itim na may sintas na kulay puti. Ngayon lang ako nakakita ng kasing gwapo niya. Oo inaamin ko na nung una ko siyang nakita, mukha siyang hambog at walang gagawing mabuti, pero matapos niya akong protektahan kanina habang sakay kami ng kabayo, naramdaman kong mabuti naman siyang tao.
Lumapit ako sa kanya “T-Tof...A-Ah Ginoo...” saka ako tumingin sa ibaba.
“WHAT?” maikli niyang sagot sa akin, napatingin ako sa kanya.
“K-Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.
“Wala akong gana...” sagot niya sa akin saka inilagay ang baseball cap sa ulo.
“A-Ah... Pagod ka ba?” napatingin ako sa labas, malapit ng lamunin ng dilim ang liwanag.
“Sobra...” sagot niya ulit.
“A-Ah... Maaari ka ng pumanhik sa itaas, nakaayos na ang silid para sa iyong pagtulog...” mahina kong sabi sa kanya, nakita ko ang pag-irap niya sa akin saka nilapag ang baso sa ibabaw ng piano.
“You know what, we choose our own fate, we create our own destiny, we are responsible to our own life. You don’t have to change and stand behind the shadow of someone just because you thought that they’ll love you more by doing that.” tinaasan niya ako ng kilay, napalunok ako at saka napatingin sa baba. Nagpalakad siya palapit sa akin saka bumulong.
“Just be yourself. At least, I want you to do that.”
Ilang oras pa unti-unti na naubos ang tao, nagsiuwian na ang aming mga panauhin. Inutusan na rin ako ng aking Ina na magpahinga na. Ibuksan ko ang aking silid at nanlaki ang aking mata ng makita ko si Toffer.
“WHAT ARE YOU DOING HERE?” Sigaw niya sa akin matapos ding mabigla, napalunok ako dahil sa nakita, nakatapis lang siya ng tuwalya at basa pa ang buhok niya. Kakatapos lang niyang naligo.
“A-Ah k-kasi... silid ko ito...” nanlaki ang mata ko saka iniwas ang tingin ng tinanggal niya ang tapis niya at hinagis sa ibabaw ng kama, tumalikod ako sa kanya.
“Dito kasi ang sinabi sa akin ng Mama mo. I’ll sleep here...” simpleng sagot niya, saka ko narinig ang pag bagsak niya ng katawan sa kama. Napalingon ako sa kanya pero agad ring bumawi ng ako tingin ng makita ko na nakapajama lang siya at walang damit pang itaas. Kinuha niya ang aking unan saka ipinatong sa mukha “Wag mo akong pagnasaan ah!” bigla niyang sabi na kinapula ng mukha ko.
“H-Hindi ko gagawin yun... kahit kailan...” sagot ko sa kanya at tumawa siya, tinanggal niya ang nakapatong na unan sa mukha niya saka ako tinignan.
“TALAGA?” ngumisi siya “Eh bakit nakatayo ka lang diyan?” tumayo siya saka ako hinila.
“AAAHHH!” napasigaw ako, inihiga niya ako sa kama saka niya hinawakan ang dalawang kamay ko.
“Sssshhh.... tutal sinabi nilang pinagsamantalahan kita bakit hindi na natin tutuhanin?” nanlaki ang mata ko at tinulak siya, agad akong bumangon pero pinalibot niya ang bisig niya sa aking beywang saka ako ulit hinila sa ibabaw ng kama!
“Besides, it is our honeymoon right? Let’s see where this is going. ” nanigas ang buo kong katawan sa sinabi niya...t-teka... teka seryoso ba siya?