Chapter 39 Maria Paikot-ikot ako sa aking kama, hindi ako makatulog at andaming tumatakbo sa isip ko ngayon. Tinignan ko ang orasan na nasa ibabaw ng bedside table ko, pasado alas dose na. “HAAAY!” I breathe out saka tumayo mula sa kama, kinuha ko ang robe ko saka sinuot iyon, nag suot rin ako ng slippers saka pinihit ang pinto, nabigla ako ng makita ko si Toffer na nakatayo sa harap ng pinto ko, nakataas ang kamay na parang kakatok “K-Kanina ka pa diyan?” tanong ko sa kanya. “A-Ahh? Ako? Hindi...” sagot niya saka bahagyang lumayo “Gising ka pa pala...” saka niya saka binulsa ang dalawang kamay sa kanyang suot na pajama, naka sando lang siya kaya kitang-kita ang ganda ng katawan niya. “Hindi ako makatulog eh...ganoon rin ba ikaw?” tanong ko saka siya tinignan. “A-Ako? Hindi..nauhaw

