Chapter 35 Maria “She has to rest...” nagising ako ng may narinig akong hindi pamilyar na boses “Buti na lang nadala mo siya agad dito sa hospital kung hindi baka wala ka ng asawa ngayon...” and I slowly opened my eyes, ilang beses akong kumurap bago ko tuluyang nabuksan ang mga mata ko. “Gising na po siya!” rinig kong sabi ni Anna, doon ko rin naramdaman ang pag-alalay niya sa akin na makaupo, agad lumapit ang doctor sa akin saka niya kinuha ang pulso ko, pinakinggan niya din ang t***k ng puso ko at tinanong kung ano ang nararamdaman ko. “Okay na po ako...” sagot ko sa kanya, ngayon ko lang siya nakita at ngayon lang din ako nakapunta sa ospital na ito, di hamak na maganda ito kumpara sa pinakamaganda at maayos na ospital sa Kibok-Kibok. “Tito Bren, how is she?” tanong ni Toffer, Tit

