Chapter 27 Maria Magkahawak kami ng kamay hanggang sa tuluyang nakatulog na si Toffer sa tabi ko dito sa loob ng sasakyan. Tingin ko pagod na pagod din siya. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko mula sa kanya saka lumapit. Tinitigan ko ang mukha niya. Ang mga mata niyang nakasara. Ang ilong niyang nakaperpekto. Ang mga labi niya na namumula. Napalunok ako. Toffer, ikaw lahat ang nagturo sa akin ng mga nararamdaman ko ngayon. Ikaw ang unang lalaking humawak ng kamay ko at nagdulot sa akin ng kung anong pakiramdam. Ikaw ang nagturo sa akin na magpakatotoo. Ikaw ang kauna-unahang taong nagsabi sa akin na huwag magtago mula sa anino ng ibang tao. Ikaw ang aking unang halik. Unang yakap. Ikaw ang unang tao na nagparamdam na pwede akong maging ako... na tatanggapin ako bilang ako... si M

