Chapter 49 Maria “Salamat...” mahina kong sabi sa taxi driver bago bumaba ng kotse, napatingin ako sa isang art gallery, sa totoo lang ngayon lang ako makakapunta sa ganitong event, hindi ko rin alam ang lugar na ito, sinabi ko lang sa driver ng taxi na sinakyan ko at mabuti naman hindi niya ako nilibot libot at niloko. Isinabit ko sa balikat ko ang sling bag na dala ko. Napatingin ako sa paligid, mukhang malalaking tao rin ang imbitado dito, lahat sila nakapustura at nakaayos, lahat ng mga babae nakaakay sa brao ng mga partners nila. Hapon pa lang at may liwanag pa, sinabihan ko na wag ng sumama si Anna sa akin kasi di naman na kailangan saka isa pa hindi naman ako magtatagal dito, magpapakita lang ako kay Grant tapos aalis na rin ako agad. Lumunok ako saka gumayak na paloob. Sinalubo

