Chapter 52 Toffer “Nasa school na si Terrence, pumasok siya bakit mo naitanong?” sagot ni Maco sa akin habang kausap ko siya sa cellphone, I was on my way to my Mom’s office para isubmit ang final story line ng commercial na matagal ko ng inaasikaso. “W-Wala, ikaw ano ginagawa mo?” tanong ko habang nakatingin sa mga pictures na nasa loob ng folders, napangiti ako matapos makita ang mukha niya doon, will she like it? “Ito, nandito sa garden nagtatanim kami ni Anna...” sagot niya habang naririnig ko ang boses ng mga kasambahay namin pati tahol ni Choco. “I’ll be home for dinner...” sabi ko at pinutol na rin ang tawag, I opened the office at nabigla ako ng may nakaupong lalaki doon. “WHO ARE YOU?” I asked him saka siya mabagal na tumingin sa akin, nakapatong ang dalawang paa niya sa de

