Chapter 21 Maria “Halika ka na...” hila sa akin ni Toffer ng huminto ako sa tapat ng gift shop, anlalaki kasing mga stuff toys ang andun, marami ring mga toys at kung anu-ano pa, napangiti ako ng may lumapit sa aking babae at may inabot na papel. “Ma’am marami po kaming discounted prices sa loob kung gusto niyo pwede po kayong pumasok...” sabi niya na nakangiti rin. “Talaga?” tanong ko at natuwa lalo. “Maco let’s go!” aya ni Toffer na parang naiirita na, tumingin ako sa kanya saka bahagyang ngumuso. “Di ba sabi mo let’s make it something special? pasok na muna tayo sa loob!” Aya ko saka ko siya hinawakan sa may braso, I heard him sighed saka tumingin tingin sa paligid, naka cap parin siya at shades kung hindi ko lang siya kasama pumunta dito baka hindi ko siya makilala. “Sige na Sir

