Chapter 12 Maria “Tara doon tayo!” aya sa akin ni Toffer saka niya itinuro ang isang malaking puno ng Mangga. Ngumiti ako sa kanya bago naglakad paroon. Nasa tapat ng malawak na sakahan ng palay ang malaking puno ng mangga. Mahangin doon at malalambot ang damo kaya pagkarating na pagkarating namin doon, humiga agad si Toffer saka inunat ang kamay. “What are you waiting for?” tanong niya sa akin saka hinila ang kamay ko kaya napaupo ako sa tabi niya. “Provinces are really different, ito lang ang mamimiss ko dito...” rinig kong bulong niya saka pumikit “Keep your promise Maco and I’ll assure you wala tayong magiging problema...” bigla kong naalala yung hiningi nyang pabor sa akin. Huminga ako ng malalim saka sinandal ang likod sa malaking puno. Inunat ko ang paa ko saka ngumiti. Kahit na

