Chapter 14 Maria “ARAY ANO BA?” bulyaw sa akin ni Toffer habang pinupunasan ko ang putok niyang labi “JUST DON’T TOUCH IT!” hinampas niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang hawak na puting tela. “Ano ba Toffer?” sabi ko sa kanya saka hinimas ang hinampas niya “Ikaw na ang aking ginagamot eh, ano ba kasi ang nangyari sa iyo? Sinaktan kaba ni Sky? B-Bakit naging ganyan ang mukha mo?” nadatnan ko na kasi silang dalawang magkaibigan na nag-uusap kanina sa hardin, laking gulat ko ng makita ko ang basag at duguan ng mukha ng aking asawa. “N-Nadulas ako…d-doon sa burol!” sagot niya sa akin saka umuwas ng tingin. “Sa akin ka pa ba magsisinungaling?” sabi ko naman sa kanya saka tumayo, inayos ko ang aking salamin saka kumuha ng panali at itinaas ko ang aking mahabang buhok. Natigila

