Kabanata 2

2407 Words
Kabanata 2 Else Chantelle's POV Naiinis ako sa sarili ko nang magising ako mula sa masarap kong pagkakahimbing. It's my body clock again. I don't have to set my alarm because of this, my body got to used waking up early in the morning, 6AM to be exact. It's my routine every morning to wake up early so I can ready myself going to work everyday at 8AM. Thanks to that because it was the reason why I have never been late for my work. But suck! Not now! I'm tired and having a hangover, and I feel so comfortable with the warm blanket covering my naked body... Naked body? Napamulat ako sa realization na iyon. Tila nawala ang bigat ng mga talukap ko nang parang pahina ng libro na bumuhos sa akin ang alaala ng mga nangyari kagabi. F*ck! I slept with a stranger! Sh*t! Alam kong imposible, pero lasing ako kagabi, uminom ako. Baka imahinasyon ko lang iyon? Baka hindi totoo? Upang siguruhin ay dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko. Lahat na yata ng alam kong sabihin na mura ay nasabi ko sa isipan ko, nang makita ko ang mukha ng lalaki na nasa likod ko. Nakadapa siya at nakabaling ang ulo sa akin, habang ang isang braso ay nakapatong sa akin at ang isa ay nakapailalim sa kaniyang unan. I can clearly remember his face, the bartender who's serving me the whole time that I'm on that bars. I can clearly remember how attractive he is, especially when his sexy smile is forming at his pinkish lips. I can clearly remember how it tastes when his lips touches mine- holysh*t! What am I thinking? So, sumama nga talaga ako sa lalaking hindi ko kilala? Sinapo ko ang noo ko at halos sabunutan ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. I just lost my virginity to a guy that I don't know, I don't even know his name! I'm not a saint, and I think I'm an adult enough just to cry over losing my V-card. But dammit! How can I explain it to my future husband that I'm not a virgin? Ang unang pumasok sa isip ko ay ang magiging reaksyon ng magulang ko. This can't be happening. Siguradong magagalit sila sa akin kapag nalaman nilang isang estranghero ang nakauna sa akin. Pero mas hindi nila ito matatanggap kung kakalat ito sa publiko. Masyado nang maraming hinaharap na eskandalo ang pamilyang Royale, hindi ko na iyon maaring dagdagan pa. Kinalma ko ang sarili ko, tahimik at nag-isip nang maigi kung paano ko lulusutan itong kagagahan kong ginawa. Baka mas magandang magpanggap akong walang nangyari. After all, its just a one-night stand, it won't be hurt if we'll both pretend that nothing happened, right? Kinumbinsi ko ang sarili ko, at nang magtagumpay ako ay napagpasyahan kong umalis na lang dito nang hindi hinihintay na magising ang estranghero na ito. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya, mabigat iyon kaya medyo nahirapan pa ako. Nang magtagumpay ako ay bumaba kaagad ako sa kama. Hindi ko na kinuha ang kumot upang hindi siya magising. Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa bawat pagpulot ko ng mga saplot ko ay siya ring pagbalik ng mga alaala ko kung paano niya iyon inihubad sa akin. Pati ang pakiramdam niyon. I was drunk so some are blurry, and somehow I want to feel it with me in a good condition. Ipinilig ko ang ulo ko. Chantelle, ano ba iyang nasa isip mo? Hindi ka na lasing, dapat nasa tamang wisyo ka na, hindi ba? Pinilit kong tabuyin ang mga nasa isipan kong hindi ko dapat naiisip. Mabilis ko na lang na sinuot ang mga damit ko. Ang nawawala lang ay ang blazer ko na hindi ko matandaan kung saan ko nilagay. Pero wala na akong oras, dapat makaalis na ako rito habang tulog pa siya. Kaya naman hindi ko na iyon hinanap at nagtuloy-tuloy na sa may living room. Ang plain ng silid niya. One long sofa, coffee table, and a bar counter as the barrier of the living room and his kitchen dining. White, black and gray lang ang kulay ng mga kagamitan, mula furniture hanggang sa carpet at pillows niya. Lilibutin ko pa sana ng paningin ko ang kabuuan ng kaniyang penthouse pero naalala kong baka magising na siya. Nagmamadali ko nang kinuha ang heels ko sa may ibaba ng sofa. Ngunit natigilan ako nang mapansin ko ang nagkalat na itim na butones, at ang navy blue shirt na suot niyang sinira ko. Naiwan iyon sa sofa nang lumipat kami sa kama niya. Kinuha ko iyon. Amoy ko pa ang mabango niyang amoy. It's not just his cologne, maybe a shower gel? Shampoo? Shaving cream? I don't know, all I know is he's too good to smell. One of the reason why I wanted him so bad. Muli kong nilingon ang kinaroroonan niya. I still can remember the desire that I had felt towards him last night. It didn't happened just because I'm drunk, but because I wanted him, not just last night... My thoughts cut when I saw him moved. Kaya naman nagmamadali akong napatungo sa lift at basta pumasok doon nang nakapaa habang bitbit pa ang shirt niya. Hindi ko na iyon nabalik dahil sa pagmamadali. Basta ko na lang pinindot ang first floor bago pa sumara ang lift. I don't want him to see me. I don't know how am I supposed to approach him. Siguro naman hindi na namin kailangang pag-usapan pa ito. He doesn't know me, I don't know him either. It should be obvious that it's just a one-night stand, right? Hinagod ko ang buhok ko, natigilan lang ako nang bago pa sumara ang bakal na pinto ay nakita ko na siyang nagtaas ng ulo. Kinapa niya ang kaninang kinahihigaan ko bago pa tuluyang bumangon. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. My heart skipped, hoping that he won't see me or look at my direction. Pero hindi yata talaga ako favorite ni Lord dahil hindi niya dininggin ang dasal ko. He turn his head at my direction. My heart bounce, too loud, the moment that our eyes met. s**t! Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, hindi ko alam ang magiging reaction ko. But I don't have to think about that anymore, when the lift slowly closing, hindi naghiwalay ang mga mata namin hanggang hindi sumasara nang tuluyan ang pinto. Huminga ako ng malalim. This is over. Once the door shut, I'm not gonna see him again, I'm not gonna turn my back. It will be the last... And when the door finally shut, I let out a heavy sigh over my chest. He didn't try to stop me, to follow me or just to talk to me, he just watch me leaving. Maybe because this is what he wants too, maybe he wanted this as much as I do, to never see me again. I should be glad then, right? Am I glad? *** "Chantelle, saan ka ba nanggaling?" nag-aalala at nagpa-panic na bungad sa akin ni Nanay Carlota nang pagbuksan niya ako ng front door. I put my finger at my lips and shakes my head just to hush her. Nilibot ko ang tingin ko sa living room hanggang paakyat sa paikot ng hagdanan para siguruhin na hindi ako makikita nina Mommy. "Sorry po, 'Nay Carlota. Nasaan po sina Dad?" mahina ang boses kong tanong nang hindi ko sila nahanap. Hinila niya ako sa braso ko patungo sa may hagdanan. "Nasa veranda, nagbe-breakfast. Kagabi pa kami nag-aalala sa 'yo, bigla ka na lang umalis. Saan ka ba nanggaling?" Nag-aalala pa rin siya kahit kaharap niya na ako. Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, checking me if my body parts are still complete. Hinawi pa niya ang buhok kong medyo magulo pa. Bahagya akong napangiti. Nanay Carlota is in her late 50s, she's been my Nanny ever since when I was just a baby. Lumaki ako sa alaga niya, especially when Mommy is at work the whole day. She's the one who's helping me to do my homework from school, arrange my hair and dresses when I'm already a teenager, and until now that I'm adult, she's still like a mother to me. Hindi na ako alagain at hindi na rin ako nagpapaalaga, pero hanggang ngayon ay inaasikaso niya pa rin ako kagaya ng ginagawa ng isang ina. I love my mom, no comparison with that. Mahal ko siya kahit hindi kami ganoon ka-close, kahit na hindi ko siya madalas na nakakasama o nakaka-bond. Despite of that, I know that she's doing her best just to be a good mother to me. Iyon nga lang, ang pagiging ina niya ay may kasamang katungkulan bilang Royale, kaya sa lahat na lang ng kilos ko ay may nasasabi siya, bantay niya, hindi kagaya ni Nanay Carlota na ang mahalaga lang ay kung saan ako masaya. Minsan nga bad influence na ang tingin sa kaniya ni Mommy at Daddy dahil tinutulungan niya akong gawin ang gusto ko kahit ayaw nina Dad, kung hindi lang dahil kay Grandmama ay pinalayas na siya noon pa. Isisisante na sana siya noon ni Mommy, pero umiyak ako kay Grandmama dahil ayokong mawalay kay Nanay Carlota, kaya naman siya na ang kumausap kay Daddy na 'wag paalisin si Nanay. Nakinig si Dad kaya siya na ang pumigil kay Mommy. Pero may kapalit iyon. May kasunduan kami ni Mommy na kailangan kong maging mabuting anak, masunurin sa kaniya. Kaya mula noon ay sinunod ko na ang lahat ng gusto niya, kapag sinabi niyang hindi ay hindi. Kung sa tingin niyang mali dahil makakasira sa image ng Royale, hindi ko gagawin. I was just ten that time and all of my move has been controlled. Ni hindi ko naranasang maglaro noong bata ako dahil takot si Mommy na magkasugat ako. Imbes na sa playground ay sa library ako pagtapos ng school. Imbes na makipaglaro sa mga kaibigan ay nauubos ang oras ko sa pag-aaral kung paano tumayo nang diretso, kumain nang mahinhin, at makipag-usap tungkol sa mga bagay na hindi talaga ako interesado. I was raised to be a perfect woman, that as if being imperfect is a sin. Maybe that's why everyone is worrying for me when I left last night, and surprised, because my mom said don't but I still did. Tumagilid ang ulo niya nang hindi ako sumagot sa tanong niya. Tila naintindihan niya kaagad na ayokong sabihin pa o magkuwento. "Sige na, umakyat ka na. Ako na ang bahalang magsabi sa mommy mo na nakauwi ka na, magbihis ka na para maayos ka na kapag kinita ka niya." Tumango lang ako. Alam namin pareho na madi-disappoint si Mommy kapag nakita niya akong ganito ang hitsura. Amoy alak pa ako. "Dadalhan kita ng mainit na sabaw mamaya. Sige na, magpahinga ka na." "Salamat po, Nanay." Umakyat na ako sa silid ko at sinunod si Nanay Carlota. Inilalim ko sa dirty laundries ko ang shirt niya na naiuwi ko, saka ako nag-shower. Hindi ko mapigilang damahin at pakiramdaman ang mga halik niya sa katawan ko. Pakiramdaman ko ay mawawala na ang mga iyon sa oras na matapos akong maligo. I don't wanna lose the feeling yet, but I have to let it go. Pagtapos kong maligo ay dumapa kaagad ako sa kama ko. Hindi na ako nag-ayos o kahit suklayin manlang ang buhok kong basa. Hinayaan ko ang pag-iinit ng mga mata ko at ang pag-agos ng mga luha ko. My heart felt empty. I don't even know why I'm crying, is it because of my fate to marry someone I don't love, or the sadness and anxiety I have whenever I'm alone. I don't know. I'm just not fine. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto ko, kaya kaagad kong pinunasan ang mga luha ko bago bumangon. Akala ko si Nanay na iyon, pero nagulat akong si mommy iyon. May kasama siyang isang maid na may dalang wooden tray na naglalaman ng mga pagkaing pang-almusal, soup and pills. Nakita ko ang laman niyon nang inilapag iyon ng maid sa kama ko. Kaagad na nag-excuse ang maid at iniwan kami ni mommy. When she shut the door, doon lang huminga nang malalim si Mommy. She's holding her own hand against her belly. This is her looks whenever she's not happy for what I did. Tumungo lang ako para iwasan siya ng tingin. Ang gamot at ang soup na inihain niya para sa akin ay ang patunay na alam niyang uminom o lasing ako kagabi, bagay na mahigpit niyang ipinagbabawal lalo na kung sa bar. "You know that I don't want you drinking, you can do something you might regret after when you're drunk," she said in her you-can't-argue-because-you-know-I'm-right tone. She always has it. "Pero pagbibigyan kita ngayon dahil alam kong nagulat ka sa desisyon namin ng Dad mo." Napaangat ako ng tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. After all she's still aware for what I'm feeling about it. Umupo siya sa gilid ng kama ko paharap sa akin at pinunasan ang mga tuyo ko nang luha. Hindi ko mapigilan na maiyak uli habang nakatingin sa mukha niya. She's still beautiful and looks young compare to her age. "Mommy, I don't want to marry him. Not yet." Halos mabiyak ang boses ko. I can't hide how heavy it is all for me now. Nakita ko ang pagpungay ng mga mata ni mommy pero kaagad niya rin iyon ikinurap, pagdilat niya ay ang matigas niya na ulit na tingin ang ibinigay niya sa akin. "Anong pumipigil sa 'yo para magpakasal?" "'My, I'm still young. I still have a lot of things that I want to achieve," I said begging. She gently grab my chin and pull it up to her. "That you can do even with a ring on your finger, sweetheart. Not because you are married you have to stop your goals, you can't achieve what you wants to achieve. Us women can do anything as we please. So, just marry him, and I promise that you can still do whatever you want to do. Just marry him," she order. Napipilitan na lang akong tumango. Hinila ako ni mommy payakap at hindi na ako nanlaban pa. Just marry him and do what I want to do? I hope it can be that easy, but how? If what I want to do is to be with someone else.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD