Gaya ng ipinangako ni Samuel ay dumaan muna kami sa bahay ng mga magulang ko. At katulad ng inaasahan ko ay hindi mawala ang mga ngiti sa labi ng pamilya ko nang makita ang lalaki. Hindi ko talaga lubos maisip kung anong pinakain ni Samuel sa kanila kung bakit ganun na lamang ang giliw nila sa lalaking ito. Mas naisip pa nga nilang kamustahin ang lagay nito kesa sa akin na anak nila! Feeling ko tuloy parang ako ang manugang at si Samuel ang anak! Kainis! Inis ko silang tinitigan habang abala na nagkukwentuhan. Nasa harapan kami ng pagkain ngunit para bang hindi ako nabubusog sa kinakain ko dahil sa inis ko sa kanila. Ni wala man lang makaalala na tanungin ang lagay ko! Heler! Kayo kaya ang ikasal ng sapilitan! Inis na sigaw ng isip ko. Inis kong binalingan si Samuel na nakaupo sa tabi ko

