Naging abala si Samuel sa mga sumunod na araw. Lagi itong maagang umaalis at late naman kung umuwi. Dahil dito ay lalong tumindi ang pag alala ng dalaga na baka may iba pa itong pinagkakaabalahan bukod sa kanya. Hindi niya maiwasang isipin na baka nga may lihim na relasyon si Vanny at ang asawa niya! Baka si Samuel talaga ang ama ng dinadala nito! Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit siya ang pinakasalan ng lalaki at hindi ang modelo? Ngunit mas pinili niyang sarilinin na lamang ang mga alalahanin sa kanyang isip. Wala siyang lakas ng loob na komprontahin ang asawa. Hindi rin naman niya alam kung makakaya rin niyang marinig ang katotohanan sa bibig nito. Mabigat ang pakiramdam ni Cassandra na bumangon sa kama. Kagaya pa rin ng madalas gawin ni Samuel ay may iniwan ulit itong pagkain

