Chapter 4: Bar - Cassandra

1155 Words
Nakangiting inilapag ng bar tender ang inoder kong alak sa tapat ko. Agad ko itong dinampot at ininom. Nanuot agad sa aking dila ang masarap na lasa nito. Pinaghalong tamis, anghang at pait, sabay sipsip ng lemon kaya bahagya akong napangiwi dahil sa asim. God! Ganito pala ang lasa ng alak na sinasabi nila! I didn't know na ang sarap! Sa isip ko. I don't know kung anong pangalan ng alak na iniinom kung ito, basta! I just order a drink! I don't care what it's name, basta masarap! Pangatlong baso ko na ito... but I still want more!.. Kaya I order again, alanganin pang napatingin sa akin ang bar tender wari'y iniisip kung pagbibigyan pa niya ako. Pinag angatan ko ito ng kilay. Hey! I'm not a minor! Sa isip ko. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko, nang makita ko ang pagsalin nito sa baso at ibinigay ulit sa akin. Good job! Lihim akong nagdiwang. Ito ang unang alak na natikman ko sa loob ng twenty years. Actually! Not bad! Kaya siguro maraming nahuhumaling dito dahil nakakaadik pala talaga ang lasa. Hays! Napalingon ako sa likuran ko, kung saan ang dance floor. Pilit kong hinagilap ng paningin kung nasaan na kaya ang mga kasama ko. Mga bwisit! nakakita lang ng gwapo iniwan na ako. Yan ba yong sila daw ang bahala yon pala ako ang kawawa sa huli.. Mga bruhang yon! Naiiling ko na lamang na ininom ang panibagong alak na iniabot ng bar tender. Hays! Ang sarap talaga! God! Pagnalaman ng daddy at kuya ko itong ginagawa ko ngayon, baka hindi na ako palabasin ng bahay nito. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko, pati ang pisngi ko ay ramdam ko rin ang pamumula nito. Nagawi ulit ang paningin ko sa dance floor kung saan nagsasayaw ang karamihan na animo'y mga walang kapaguran. Iba't ibang paraan ang kanilang pagsasayaw, merong bigay na bigay, meron naman simple lang. Napailing ako ng mapadako ang paningin ko sa mga magkapareha na parang mga gutom kung maghalikan. God! Sa gitna pa talaga ng dance floor huh? Hays! Iniiwas ko na lamang ang mga mata ko at ibinaling sa ibang dako. I feel, I want to dance! Sa isip ko. Ngunit ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang matanaw ko ang isang pamilyar na mukha. Kahit sa malayo ay kilalang kilala ko ang itsura nito. How can I forgot his face! Ang mukhang yan ang laging sumisira ng araw ko! Laking pasalamat ko na lang na malaki ang katawan ng taong kasunod ko. Kaya agad akong nagkubli dito. Ano kasing ginagawa ng epal na yan dito? tanong ng isip ko. I feel relief nang makita ko siyang may sinalubong na isang lalaki. Si kuya Seb! So, it mean nandito rin ang kuya ko! Paktay ka na talaga Cassandra! Sigaw ng isip ko. Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko nang makita ko silang palayo. Shit! Nasaan na ba ang dalawang yon? We need to get out of here bago pa kami makita ng mga kuya namin! Sigaw ng isip ko habang palinga-linga para hanapin ang dalawang bruha. Ngunit natigilan ako sa paghakbang nang bumangga ako sa isang matigas na bagay or mas tamang sabihin na sa katawan ng kung sino... Shit! Ang bango! Sigaw ng isip ko habang pasimpleng inaamoy ang mabangong dibdib ng kung sino, kung saan nakasubsob ang mukha ko ngayon. Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso nito sa bewang ko. Kaya maang akong nag angat ng paningin sa mukha niya. "A-Aries!" Sambit ko, nakangiting mukha nito ang bumungad sa akin. "Anong ginagawa ng isang Cassandra Delrio sa ganitong lugar?" Bulong nito sa aking tenga, na naghatid naman ng kakaibang pakiramdam na gumapang sa buong katawan ko. God! Ano yon? tanong ng isip ko. "Ha? Ah...Eh, we're just celebrating! you know, graduation!" Sagot ko dito na pilit pinanatural ang boses. Ngumiti naman ito na nagpalitaw mala toothpaste model na ngipin nito. "Congratulation nga pala Cassy!" Bati nito na mas lalo pang lumuwang ang pagkakangiti "T- thank you." nauutal ko pang tugon, habang diretso pa ring nakatingin sa kanya. I miss him! "Lets dance!" Bulong ulit nito but this time ay may halo ng landi ang boses. O baka sa isip mo lang yon Cassy! Naramdaman ko ang mas lalo pa niyang paghapit sa bewang ko para mas magdikit ang mga katawan namin. Shit! Bakit ganito ang sayaw namin eh remix naman ang tugtog! Dama ko ang panginginig at panghihina ng tuhod ko... God! Dream come true to girl! Biruin mo ang dating pinapantasya mo lang, nandito na sa harapan mo! Yes! Aries is my secret love! First year college pa lang ako nang makilala ko siya. Ahead siya sa akin ng isang taon and his an architect student samantalang ako kay Business Administration. But because I need to focus in my study ay kailangan ko munang isantabi ang nararamdaman ko. We became good friends, Pero nang makagraduate ito last year ay nawalan kami ng kumunikasyon. Ngayon lang kami nagkita uli't and I can say, he look more hotter and handsome! I remember pa kung paano siya pagkaguluhan ng mga kapwa student ko noon... Well! Hindi lang kasi siya isa sa mga most outstanding student sa university namin, but his one of a famous varsity player also. "I miss you Cassy..." masuyong bulong nito sa tenga ko, dama ko pa ang pagdampi ng mga labi nito sa aking sintido. I miss you too! Lihim na tugon ng isip ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang masarap na pakiramdam. Sobrang saya ng puso ko na para akong nakalutang sa alapaap! Ito ba yong sinasabi nilang Cloud Nine feelings? Wala na akong pakialam sa paligid kahit na nagmumukha kaming tanga na magkayakap sa gitna ng dance floor. May sarili kaming musika na kami lang ang nakakarinig! sa isip ko. Bahagya ko pang inihilig ang aking ulo sa dibdib nito habang ang mga braso naman niya ay nanatiling nakapulupot sa bewang ko. Nanatili lang kami sa ganoong posisyon. Ngunit bigla kaming natigilan nang makarinig ng sigawan at kaguluhan sa paligid. Agad niya akong hinila sa palapulsuhan para ilayo sa mga nagkakagulo. "Lets get out of here!" Sabi nito habang marahan akong hinihila sa braso. Nang lingunin ko ang lugar kung saan nagkakagulo ay napaawang ang labi ko nang makilala ang mga ito. Si Vanessa Gulias, isa sa mga hinahangaan kong model at si Miah Del Moral na isang sikat na artista. Napasapo na lamang ako sa sariling bibig nang makita ko ang biglang pagsampal ni Vanny kay Miah. "God!" Tanging nasambit ko na lang. Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Aries palabas ng bar... Shit! Nawala sa isip ko na nandito nga pala ang kuya at ang manyak niyang bestfriend! I really need to get out of here bago pa nila ako makita! Sigaw ng isip ko habang sinasabayan ang mabilis na paglakad ni Aries. Bahala na si batman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD