Malakas akong napamura ng makilala kung sinong pangahas na pumasok nanaman sa aming kwarto. "Ann? What the hell are you doing here?" Bulalas ko. Hindi ko inaasahan na makikita ito sa pamamahay ko. Hindi na lang pala ito parang kabute na bigla nalang sumusulpot, naging akyat bahay na rin! Hindi ako makapaniwala na ang nag iisang anak ng mga Arellano ay ganito ka desperada sa isang lalaki! "Missed me honey? Malanding tanong nito, habang umahon sa pagkakadapa sa sahig. Sinadya pa nitong kumilos ng mapang akit, habang malanding nakangiti sa akin. Hindi na ito nakuntentong guluhin ako sa phone ko, ngayon ay talagang narito na siya sa harapan ko! Naiiling na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Ann Crisher didn't change! Yes, no wonder Ann is very attractive woman with an awesome body shape.

